Filtered By: Showbiz
Showbiz

Actor Joseph Bitangcol seriously injured in vehicular accident


Malubhang nasugatan ang aktor na si Joseph Bitangcol, at lima pa niyang kasama nang mabangga ng isang trak ang sinasakyan nilang Mitsubishi Montero, at pagkatapos ay sumalpok sa isang poste sa Antipolo City nitong Miyerkules ng madaling-araw. Sa ulat ng “On Call" sa GMA News TV 11 nitong Miyerkules, sinabing nagtamo ng fracture sa mukha si Bitangcol at walang malay nang dalhin sa Amang Rodriguez Medical Center. Dakong 10 a.m. nang ilipat ang aktor sa Marikina Valley Hospital, ayon kay GMA News reporter Steve Dailisan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Batay sa imbestigasyon, papunta sa isang videoke bar sa Antipolo ang grupo ni Bitangcol nang masagi ng isang 10-wheeler truck na papunta naman sa Manila. Ayon sa isang saksi, kinain umano ng trak ang linya ng kalsada ng grupo ni Bitangcol kaya nasagi ang sinasakyang SUV ng mga biktima. Napinsala ang tagilirang bahagi ng SUV at nawalan ito ng kontrol bago bumangga sa isang poste. Hindi umano ang aktor ang nagmamaneho sa kanilang sinasakyan. Nadakip naman ang drayber ng trak na si Victor Beltran. Hindi ito nagtamo ng sugat at iginiit na mabagal lamang ang takbo ng kanyang sasakyan. - GMA News