Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ex-bold actor Gino Antonio turns agri entrepreneur


Nagbilad ng katawan noon sa harap ng camera ang dating aktor na si Gino Antonio para sumikat sa pelikula. Ngayon, nagbibilad pa rin siya ng katawan sa ilalim ng sikat ang araw ngunit para na sa kabuhayan niyang palaisdaan.

Noon at ngayon: Gino Antonio
Sumikat si Gino noong dekada 80 sa mga pelikulang sinisingitan ng mga eksena na nagpapakita ng aktuwal na pagtatalik (penetration) na tinawag noon na mga “penekula." Sa programang Tunay Na Buhay ni Rhea Santos sa GMA 7, natunton si Gino na tahimik na namumuhay ngayon sa Dumaguete City, at pinagkakaabalahan ang kanyang 1,500 square meter na palaisdaan. Ayon sa dating aktor na kasabayan nina Mark Joseph, Tani Cinco, Greggy Liwag, George Estregan at ibang pang bold actors, sa dami ng nagawa niyang “pene" films ay hindi na raw niya mabilang ang kanyang mga naging kapareha. Ngunit bago naging artista, naging fashion model muna si Gino. Nang himuking mag-artista, batid daw niya na sa linya ng paghuhubad patungo ng kanyang showbiz career. Unang pelikula ni Gino ang Private Show, kasama sina Jaclyn Jose at Leopoldo Salcedo. Ang pelikula ay tungkol sa mga "torohan" o "live sex act." Ang direktor nito ay ang batikang si Chito Rono, na gumamit noon ng alias na Sixto Kayco.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sikreto sa “pene" Edad 25 umano si Gino nang mapasabak sa mundo ng showbiz. Bago daw siya sumalang sa romansahan, inaalam muna niya ang limitasyon ng kanyang magiging kapareha. “I will find out kung ano ang limitations nila. ‘Pag sinabi nila na okey lang sa’ken Gino wala akong limit, okey din sa’ken ‘yon. Meron din iba na okey you don’t have to touch my (private) parts, okey din sa’ken ‘yon. At least kinakausap ko sila at alam ko kung ano ang gusto nila at ‘di nila gusto," kuwento ni Gino. Ayon pa kay Gino, gumagamit din ng “double" sa mga pene film kaya ang napapanood na aktuwal na pagtatalik ay hindi nangangahulugan na ang mga bida sa pelikula ang ang gumagawa. “Iba ang style noon, hindi yung mga artista ang gumaganon doon. Kumukuha sila ng body double, iko-close up lang nila that certain ano, certain parts sa katawan, tapos yung ang ikakarga nila sa film," paliwanag niya. Inamin din ni Gino na minsan din siyang nalulong sa ilegal na droga at naging sakit ng ulo sa mga kasamahan sa trabaho dahil sa kanyang bisyo. Suportado naman ng kanyang pamilya ang kanyang trabaho sa pelikula dahil batid nila na kailangan niyang kumayod at kumita. Sa kanyang paghuhubad, naipagawa ni Gino ng bahay ang kanyang mga magulang, at napag-aral ang apat na kapatid. Ipinagmalaki rin ni Gino na kahit mga bomba films ang kanyang ginagawa, tatlong beses siyang na-nominate sa kategoryang Best Actor kung saan kabilang sa mga nakalaban niya sa award ay sina Fernando Poe Jr, Rudy Fernandez, Aga Muhlach at iba pang dramatic actors. Lumipas ang init Sa paglipas ng panahon, lumipas din ang init sa mga pene films pagsapit ng dekada 90. Dumalang ang mga proyekto hanggang sa iwan ni Gino ang showbiz at napadpad siya sa Dumaguete. Sa Dumaguete ay namuhunan si Gino sa mga negosyong pang-agrikultura. Nagtanim siya ng palay, gulay at prutas, hanggang sa mapunta sa pagbi-breed ng mga tilapia. Malayo man sa dating glamorosong buhay, at kahit may ilan pa rin nagtataas sa kanya ng kilay dahil sa kanyang nakaraan, masaya naman daw si Gino sa kanyang simpleng pamumuhay ngayon. "Always do positive things kasi magreresulta talaga (ng maganda), you can feel that," ayon sa dating bold actor. - Fidel R Jimenez, GMA News