Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jillian Ward learns toy doll moves for Kapuso Christmaserye, Jillian: Namamasko Po


Kinailangan pa raw ng Kapuso child wonder na si Jillian Ward na mag-aral ang kilos ng isang manika para sa Christmaserye ng GMA 7 na Jillian: Namamasko Po. Simula sa Lunes ay mapapaanod na ang Jillian: Namamasko Po, na pangungunahan ni Jillian na nakilala noon bilang si Trudis Liit. Gagampanan ni Jillian ang role ng isang manika na magbibigay pag-asa sa isang mag-asawa. Kasama ni Jillian sa Christmaserye sina Michael V na gaganap naman sa papel na Santa Claus, at bilang mag-asawa sina Wendell Ramos at Claudine Barretto. Sa press launch nitong Huwebes ng gabi na sinaksihan ni entertainment reporter Audrey Carampel, in-character at naka-costume na manika ang child wonder nang humarap sa showbiz press. At nang tanungin kung bakit siya naka-wig, sagot ni Jillian sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes: “Kasi bawal pong makita ang totoo kong hair kasi nga manika po ako.."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Dahil sa kasikatan, ikinuwento rin ng bata kung ano ang ginagawa niya para hindi makurot ng mga fans na nanggigigil sa kanya kapag nagmo-mall. “Nag-aano po ako (nagsusuot) ng jacket na malaki tapos hindi nila ako nakukurot dito. Tapos sa paa nila ko nakukurot," kuwento nito. Hindi rin nakaligtas sa kakulitan ni Jillian ang buhok na may kulay ng isang showbiz press. “Amerikano po ba kayo? Bakit (kulay) yellow po buhok niyo?," tanong ni Jillian. “Ah! Alam ko na pinakulay niyo po ‘yan noh kaya kulay mais po noh? - FRJimenez, GMANews.TV