Filtered By: Showbiz
Showbiz

Is Sarah Geronimo a victim of political ‘black propaganda'?


Kabi-kabila ang reklamo ng mga kandidato tungkol sa maruming uri ng kampanya ngayong halalan. Posible kayang pati ang singer/actress na si Sarah Geronimo ay nabiktima rin ng tinatawag na black propaganda sa pulitika? Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ng host na Pia Guanio na kontrobersiyal ngayon ang isang larawan ni Sarah na kumakalat sa Internet. Sa naturang larawan, makikita ang actress/singer na nagpapakita ng “Laban" o “L" sign at nakasuot ng damit na kulay dilaw. Ang mga ito ay palatandaan o simbulo ni Liberal Party presidential bet Sen Benigno “Noynoy" Aquino III.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pero kilala si Sarah na supporter at endorser ng tambalan sa Nacionalista Party (NP) standard bearer na sina Sens Manny Villar at Loren Legarda. Ayon sa ulat, hindi pa raw nakikita ni Legarda ang litrato pero buo raw ang tiwala niya sa suporta ni Sarah. Sinabi naman ng manager ni Sarah na mula sa Viva Inc., na ang naturang larawan ay kinunan noon pang 2007 midterm elections. Tumanggi na silang magbigay ng ibang detalye tungkol dito, at hindi pa nagbibigay ng pahayag si Sarah. – FRJ, GMANews.TV