Filtered By: Showbiz
Showbiz

New Kapuso star Princess Snell willing to take sexy roles for stardom


Handa raw sunggaban ng bagong Kapuso star na si StarStruck V Avenger Princess Snell ang anumang oportunidad na darating sa kanya para sumikat sa pinasok na career. Kabilang si Princess sa bagong batch ng mga young star ng Kapuso Network na produkto ng katatapos lang na reality TV at artista search show na StarStruck V. Basta hindi bastos ang konsepto ng proyekto, sinabi ni Princess na handa niyang ipakita ang kanyang kakayahan bilang artista. Pagtatrabuhan daw niya ng husto ang career na kanyang pinasok lalo na ngayong isa na siyang ganap na Kapuso star. “Ibibigay ko lang po yung best ko at sana mabigyan po ako break…lahat po sana (ng StarStruck). Siyempre priority ko sarili ko at sana po maipakita ko sa tao na I can shine," pahayag ni Princess sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Pumasok po ako sa trabahong ito, kung ano pong ibibigay sa aking opportunity iga-grab ko ‘yan basta maganda po ang konsepto at hindi masyadong bastos," idinagdag niya. At kahit nakapag-sexy pictorial na siya sa isang men’s magazine bago pa man sumali sa StarStruck, sinabi ni Princess na may limitasyon pa rin siyang itinakda sa sarili sa gagawing pagpa sexy –- hanggang two piece swimsuit at lingerie lang muna. “Ang sa akin po hindi masamang mag-two piece at kailangan mong ipagyabang sa lahat na seksi ka di ba?," sambit ng dalaga. Isa rin umano sa pangarap ni Princess ay marating ang tagumpay ng kapwa produkto ng StarStruck na si Katrina Halili na ilang ulit na tinanghal bilang most sexiest Pinay ng isang men’s magazine. - FRJ, GMANews.TV