Nadine Samonte starts taping for Tinik sa Dibdib
Inamin ni Nadine Samonte na nagulat siya nang malaman na siya ang papalit kay Sunshine Dizon sa iniwan nitong lead role sa afternoon soap na Tinik sa Dibdib. Sa ginawang panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi ni Nadine na hindi kaagad siya naniwala nang malaman sa kanyang ina ang nangyaring pag-alis ni Sunshine sa soap dahil sa health problem. Nasa Paris umano si Nadine at nagbabakasyon nang tawagan siya ng kanyang ina para ipaalam na siya ang napiling pumalit kay Shine. âSabi ko, âdi ba 'yon nag-e-air na?, sabi niya, âoo pero ikaw na ang papalit kay Shine.â Sabi ko hala, paano mangyayari âyon e nag-e-air na, paâno gagawin? So, shock, nakaka-shock, surprising," pahayag ni Nadine sa Chika Minute ng GMA new 24 Oras nitong Miyerkules. Ayon kay Nadine, itinuturing niyang malaking challenge ang pagsalo sa naiwang trabaho ni Sunshine. Kailangan umano niyang ipakita ang malakas na personalidad ni Shine sa kanyang katauhan. Bilang paghahanda, pinanood umano ni Nadine ang ilang eksena ni Sunshine. Ikinondisyon na rin umano niya ang sarili sa mga love scene. Wala naman daw siyang nakikitang problema dahil malaki ang tiwala niya sa kanyang mga katrabaho. Gayunman, inamin ng dalaga na nagulat siya nang kunan ang ikalawang araw ng kanyang taping. âNakaka-shock lang ngayon kasi second day may bed scene kaagad," natatawang kuwento ni Nadine. Nilinaw din ng aktres na walang namamagitang problema sa kanila ni Sunshine dahil itinutuloy lang niya ang trabaho na naiwan nito. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV