Filtered By: Showbiz
Showbiz
Anjo, wife Jackie share secret in successful relationship
MANILA, Philippines - Isiniwalat ng host-comedian na si Anjo Yllana at asawang si Jackie Manzano ang sikreto ng matatag nilang relasyon ngayon, matapos maghiwalay at magkabalikan noong nakaraang taon. Ayon kay Anjo, binago nila ni Jackie ang kanilang pakikitungo sa isaât isa mula nang magkabalikan. Kung dati ay tila âmag-ama" ang kanilang ugnayan dahil sa malaking agwat ng kanilang edad, ngayon ay âmagkaibigan" ang turingan nila. Aminado ang mag-asawa na marami silang hindi magkakaunawaan noon na marahil daw ay bunga ng malaking agwat ng kanilang edad, kaya kung minsan ay nagmistulang ama umano si Anjo at anak naman si Jackie. âMarami kaming clashes kasi parang mag-ama kami. Syempre kung ama ka gusto mo ikaw ang masusunod lagi, ikaw ang nakakaalam sa mabuti sa hindi. Syempre kung anak ka (naman) kung ano gusto (masusunod), so madalas kaming hindi magkaintindhan. Unlike ngayon para na lang kaming magbarkada," paliwanag ni Anjo sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. At mula nga nang magkabalikan, mas nam\raramdaman daw ngayon ng mag-asawa na mahal nila ang isaât isa at mas tubigay ang kanilang pamilya. âNapag-uusapan na namin ang mga bagay mas nasasabi na nyaâ¦mas nasasabi ko na yung gusto kong sabihin and sya rin, hindi yung âpag may sinasasabi sya (noon) nagagalit agad," kwento ni Jackie. Kitang-kita naman ang magandang samahan ng mag-asawa na magkatuwang na nag-asikaso sa unang kaarawan ng kanilang anak na si Nathan na noon ay maselang ipinagbuntis ni Jackie. Kinailangan pa noong mamili ni Jackie kung sasagipin ang sarili o isusugal ang buhay kung itutuloy ang pagbubuntis. At ngayon, labis-labis ang pasasalamat ng mag-asawa dahil bukod sa ligtas si Jackie, malusog at normal na lumaki si Nathan. âDati may ano kasi na baka lumabas siya na may abnormalities, so nang one-year-old sya, si Jackie sabi nya gusto ko ng big party para sa kanya, e last baby na namin so okey," ayon kay Anjo. âThanksgiving sa lahat ng hirap na dinanas ko sa States, tapos nang lumabas sya na okey naman lahat, normal sya walang nangyari sa akin, eto na âyon thank you for everything," dagdag naman ni Jackie. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Tags: anjoyllana, jackiemanzano
More Videos
Most Popular