Filtered By: Scitech
SciTech

Mang Tani answers weather questions in #AskAway


Amid heavy rains in Luzon, GMA's resident meteorologist Nathaniel "Mang Tani" Cruz answered questions from netizens on Wednesday's #AskAway on the Facebook page of GMA News. Check out his answers.

 
Jennylou Carlos Fajardo: Goodafternoon po mang tani ask ko lang po hanggang kelan po ba itatagal ng bagyong falcon sa PAR???at di napo ba posibleng gumanda ang panahon dis week???maraming salamat po...from marikina po ..t.y.
 
Mang Tani: Kung hindi po magbabago ang kanyang bilis, sa Biyernes ng umaga posibleng nasa labas na po ito ng PAR pero magpapatuloy ang pagpapalakas nito ng Habagat. Sa Sabado po, posbileng humina na ang pag-ulan hanggang Linggo.
 
Romz: Bakit wlang last name ung bagyo?
 
Mang Tani: Baka po pag nagkaroon ng last name ay mas malito pa po ang mga tao :)
 
Erwin Guevarra: Gud pm po. Mang Tani ano po ba ang HABAGAT at bkit may malakas na ulan at hangin din po cya tulad ng BAGYO? Sa CAVITE area po.
 
Mang Tani: Ang Habagat po ang maraming dalang moisture sanhi ng pagtawid nito sa malawak na Indian Ocean at West Philippine Sea.
 
Brooke Garcia: Mang Tani bakit po napakainit pero malakas ang hangin dito sa E.Samar kahit napakalayo ng bagyo?
 
Mang Tani: Hindi na kayo masyadong apektado sa Eastern Samar ng hanging habagat na nagdadala ng ulan. Pero ang hangin sa inyo ay galing sa timog na hinihigop ng Bagyong #FalconPH.
 
 

Simula na po ng #AskAway: The GMA News Facebook Q&A kasama si Mang Tani! Ilagay lang ang inyong tanong kasama ang inyong lokasyon sa comments section!

Posted by GMA News on Tuesday, July 7, 2015

 
Angelica Natividad: Good Afternoon po. Mang Tani, May posibilidad po ba na ganitong panahon po ang maranasan bukas? - Manila. #AskAway
 
Mang Tani: Hello, Kapuso! Oo, posible ang pag-ulan hanggang Biyernes sa inyong lugar.
 
Eliza Basco: #askAway from malabon city ,sir gud pm po magttagal po b ang pag uulan mmya hanhgng bukas? hanggng weekends dn po ba? salamat po.
 
Mang Tani: Oo, Kapuso. Inaasahan ang pag-ulan sa Metro Manila hanggang sa Biyernes.
 
Prience Jhay-cee Emelo Ruiz: mang #tani saan dumadaretio amg bagyo pag paalis ng ng PAR ??
 
Mang Tani: Marami pong lugar, pwede pong Japan, China, or Vietnam po.
 
Don Bacani: Mang Tani, gusto ko po sanang maging meteorologist din ang anak ko paglaki nya, anong kurso po ba ang dapat nyang kunin sa kolehiyo? :)
 
Mang Tani: Basta science-based course po tulad ng Chemistry o Engineering, at may higher math po ito.
 
Jhon Kenneth Santos Mila: #AskAway kahit po ba may habagat pwede pa rin bang magka tornado? Salamat
 
Mang Tani: Pwede, dahil ang tornado ay nabubuo sa isang thunderstorm cloud. Ang thunderstorm cloud naman ay bahagi ng hanging Habagat.
 
Ruddi Chris L. Caintic: #AskAway Mang Tani, Good day! Kami po dito sa Bukidnon ay nagtatanong re: po sa nabalita before ng pagasa na El Niño phenomenon na lalala pa daw this coming october to december 2015. But with the onset of rainy season ngaun, advisable po ba na magtanim na ngaun ng mga pananim o antayin na after ng peak ng El Niño? Thank you po.
 
Mang Tani: Hello, Ruddi, kung makakapagtanim kayo at makakaani bago mag-Oktubre, mabuti. Mababa kasi ang posibilidad ng pag-ulan sa Oktubre hanggang Disyembre kaya baka maging mahirap ang pagtatanim sa panahong ito.
 
Catherine Camero: Ang lakas ng Hangin at Ulan d2 po sa Pampanga.! Hanga kailan po mararanasan ang ulan. at ilan bagyo papo ang inaasahan ang papasok sa PAR ngyon Taon.? #MangTani.
 
Mang Tani: Inaasahan pa natin ang 12-14 pang bagyo hanggang Disyembre.
 
Earlo Gabriel Bringas: Mang tani may posibilidad po na makaramdam ng malakas na hangin mamaya bukod sa malakas na ulan?? Caloocan Area po.
 
Mang Tani: Yes, hanggang bukas po ito at Biyernes, malakas po ang hangin. Windy condition po tayo.
 
Princess Ailene: Mang Tani tanong ko lang po, Ilan po ba ang bagyong maaaring pumasok nitong buwan ng hulyo? Mandaluyong. #AskAway
 
Mang Tani: Mga 3-5 po ang pwede pumasok ngayong Hulyo at mas mataas yan kaysa sa pangkaraniwang Hulyo.
 
Rodley Tamayo Tolentino: Mang Tani, hanggang kailan po makararanas ng ulan ang metro manila at mas magiging malakas pa po ba ang ulan sa mga susunod na araw tulad na lamang sa biyernes kumpara sa mga pag ulan na nararanasan nating ngayon?
Maraming Salamat po Mang Tani at more powers 
 
Mang Tani: Kung hindi po magbabago ang kanyang bilis, sa Biyernes ng umaga posibleng nasa labas na po ang Bagyong #FalconPH ng PAR pero magpapatuloy ang pagpapalakas nito ng Habagat. Sa Sabado po, posbileng humina na ang pag-ulan hanggang Linggo.
 
Melvin John Girado: Malaki po ba ang impluwensiya ng lakas at laki ng bagyo sa kakayahan nitong makahatak ang habagat na nag dudulot ng tuloy tuloy na ulan? #AskAway
 
Mang Tani: Yes. Malaki ang epekto nito. Kung ang Bagyong Falcon ay isang tropical depression lang, hindi ganito ang epekto nito sa Habagat.
 
 

Kumusta ang panahon sa susunod na mga araw? Alamin ang latest weather updates mula kay Mang Tani, ang resident meteorologist ng GMA News! #AskAway

Posted by GMA News on Wednesday, July 8, 2015

 
Maxene Swift Belen: Mang tani malakas parin po ba ang ulan bukas sa cavite?? Ask lng po ang lakas ng po ng Ulan ngayon
 
Mang Tani: Sa Biyernes pa inaasahang lalabas ng PAR si #FalconPH pero habang nasa loob ito ay patuloy na magpapalakas ng Habagat na magdadala ng pag-ulan.
 
Rowena Asistin: mglaland fall po ba dto sa ilocos ang bagyong falcon
 
Mang Tani: Hello, Rowena, hindi magla-landfall ang Bagyong Falcon sa Ilocos o saan mang bahagi ng bansa.
 
Lloyd Saavedra: #askaway mang tani magiging maulan kaya sa friday bandang iloilo...
 
Mang Tani: May ulan pero mahina lamang po ito.
 
Kismith Aile Maceda #AskAway Uulanin po ba hanggang bukas dito sa Pasig?
 
Mang Tani: Opo, hanggang Biyernes po kaya maging #IMReady po tayo.
 
Arjay Coskie Manlapaz: Mang Tani sa papaanong Paraan po ba o Bakit po ba Nag kakaroon ng ganitong klaseng Mga bagyo hindi lang isa kundi tatlo pa ?
 
Mang Tani: Una po ay dahil sa epekto ng nangyayaring El Niño kaya mas maraming bagyo po tayo, pero sa susunod na mga buwan ay posibleng mas kaunti po ang ating mga bagyo.
 
Chelsea Naomi Igama Estupigan: Good afternoon! :) possible po bang mas tumindi pa ang bagyo sa mga susunod na henerasyon? Chelsea naomi of Caloocan po.
 
Mang Tani: Dahil sa climate change, inaasahan na mas malalakas na bagyo ang mabubuo sa Pacific Ocean.
 
—Justin Joyas, YouScoop/JST, GMA News
Tags: mangtani, askaway