Filtered By: Scitech
SciTech

Mang Tani: Up close and personal


"Kumuha ako ng exam. Ang tanong, 'Why do you want to become a meteorologist?' Sabi ko, 'I want to become a meteorologist because I love planets, I love meteors!'" Cruz obtained a Master's degree in Meteorology from UP Diliman. Photos by Roehl Niño Bautista
In the 1970s and '80s, meteorologist Amado Pineda was a familiar face to millions of Filipinos as GMA's TV weatherman. But for a new generation of viewers, the face of TV weather belongs to Nathaniel Cruz, GMA's resident meteorologist — Mang Tani to fans. And his signature sign-off phrase, “Magplano, magsiguro, makibalita sa GMA Weather," might soon become as familiar as Pineda's “That's the latest from PAGASA." GMA News Online had a one-on-one interview with the affable Mang Tani regarding his life and career. Some of the questions were submitted by viewers on GMA Weather's Facebook page. Q: Bago kayo naging weather forecaster ng PAGASA, ano po ang inyong naunang career? A: Wala. Right after graduating college, nag-apply na ako agad sa PAGASA. Isang taon ako naging trainee as a meteorologist, and then, tuluy-tuloy na iyon, hanggang sa nagresign na ako nung pumunta ako ng Australia. Pagiging meteorologist lang ang naging career ko, wala nang iba. Graduate ako ng Agricultural Engineering sa Araneta University na ngayon ay De La Salle Araneta na. Pagkatapos noon, kumuha ako ng Master's [degree] — MS in Meteorology sa UP Diliman, at itinuloy ko yung Ph.D. Unfortunately, hindi ko pa 'yun natatapos so 'yun yung aking post-grad. Q: Bakit po sa PAGASA kayo nag-apply kahit na kayo ay Agricultural Engineering graduate? A: Ako ay galing sa mahirap na pamilya. Ako ay pinag-aral noong aming panganay. Pangalawa ako sa magkakapatid. Noong grumadweyt ako, may sumusunod sa aking babae. Kailangang mag-aral siya. Ang sabi ng tatay ko, ako na 'yung magtrabaho para tulungan siya. 'Yung tatay ko, may kakilala na driver ng isang opisyal sa PAGASA. Lumapit siya roon at nagtanong kung pwede niyang ipasok 'yung anak niya. So, ayun. Doon nagsimula. Kumuha ako ng entrance exam para magtraining. Q: Ilang taon po kayo nag-stay sa PAGASA? A: Nagsimula ako, 1982. Tapos umalis ako ng 2010. 28 years, imagine? (See a GMA interview with Cruz when he was still with PAGASA here.) METEOROLOGY...AND METEORS? Q: Before po kayo pumasok sa PAGASA, interesado na po ba kayo sa weather? A: No. Even meteorology...I [didn't] know what's meteorology. Di ba? Kasi, natatandaan ko, kumuha ako ng exam. Meron doon na essay part. Ang tanong, "Why do you want to become a meteorologist?" Sabi ko noon, "I want to become a meteorologist because I love planets, I love meteors." E kasi wala namang meteorology noon e. Kahit sinong bata tanungin mo noon kung ano meteorology, ang unang papasok sa isip noon meteorites, planets, heavenly bodies, di ba? Walang magsasabi sa iyo except ngayon na meteorology is the science that deals with the atmosphere's phenomena. Wala noon! Q: Bilang mahigit 20 years na kayo na weatherman, what does it take to be called a meteorologist? A: Tulad ngayon, walang undergrad courses, o eskwelahan na nag-offer ng meteorology, so sa ngayon, hindi madaling maging meteorologist. Unang-una, you need to be trained, hindi isa o dalawang buwan kundi isang taon halos. Paano na 'yung bagong graduate? Naghahanap ka ng trabaho. Tapos 'pag nag-apply ka dito sa PAGASA para maging professional level ka na, e, magte-train ka pa ng isang taon. So, parang, "Ha? Trabaho ang hinahanap ko...." Siyempre, kailangan mong maging matiyaga. Ganoon ang nangyari sa akin. Nagtiyaga kami na stipend lang sa loob ng isang taon. At nagbunga naman. Kasi may mga kasama kami na mag-train na hindi nagtagal. Sila, after two months, "Hindi ko na kaya, maghahanap na ako ng trabaho." Q: Sino po bang mga role models n'yo? A: Ang isang idol ko, ay 'yung isang dati naming boss, si Dr. Leoncio Amadore. Naging chief siya ng PAGASA in 2004? Or 2002-2003. Sa kanya ko nakita 'yung naging boss ng PAGASA pero nanatiling 'yung kaniyang buhay, simple. 'Yung science of meteorology, pinilit niyang inangat. Pero in the end, natanggal din siya dahil may mga anomalyang idinikit sa kanya na sa tingin ko ay hindi naman totoo. Q: Ano ang pinakamahirap na parte ng pagiging weather forecaster? A: Siyempre 'yung hindi tumama 'yung forecast. 'Yun, and how to explain to the public bakit 'yung sinabi mong uulan ay hindi umulan, at bakit 'yung sinabi mong dadaan 'yung bagyo ay hindi dumaan?
Mang Tani says that to this day, he's still adjusting to being on TV to the extent that he is now.
Q: Ano naman po yung pinakamasayang part ng pagiging weather forecaster? A: Siyempre 'pag tumama 'yung forecast. Q: Sir, I understand na not all weather forecasters sa PAGASA is a meteorology graduate. Wala po bang discrepancies 'yun pagdating sa forecast nila? A: Mayroon. Kaya lang, ang nangyayari kasi, one-year training tapos masasabak ka na sa real world, that is forecasting. Siyempre hindi mo naman pwedeng sabihin na the best ka na. At pag bagong trainee, 'pag pinadala mo riyan, kahit na maski doon sa Australia — mayroong four years na meteorology roon — 'pag sumabak ka na sa forecasting, as an operational forecaster, ibang-iba. Kaya 'yun na mismong pinaka experience mo ang magdadagdag sa training mo. So one year is not really enough. Pero ngayon, sa tingin ko, mas maganda kasi mayroon nang four years na meteorology kaysa doon sa one-year training course na ibinibigay ng PAGASA. Pero hindi nangangahulugan iyon na inferior 'yung mga grumadweyt ng ibang kurso. 'Yun nga, 'yung experience mo as forecaster ang magiging advantage mo. Q: Pero kumusta na po ba ang state ng meteorology at meteorology education dito sa Pilipinas? A: One good thing is that, 'yung PAGASA, in cooperation with AGHAM Party List, nagbukas na sila ng BS in Meteorology. Namili sila ng mga estudyante from different universities, at meron namang pumayag. Mga second year college students ito, sa third year nila, nag-shift na sila sa BS Meteorology. Mga Engineering, BS Math students sila — 16 sila ngayon. So imagine, siguro, mga five years ago, kung nag-open ang PAGASA o nag-offer ng Meteorology noon, palagay ko baka walang magkakagusto. Pero ngayon, imagine, 16. Baka next year, baka hindi lang PAGASA. Baka pati Ateneo at tsaka ang UP, at iba pang eskwelahan, again, baka mag-ooffer na sila ng ganiyang regular four-year courses. GOING TO AUSTRALIA Q: Paano n'yo po napagdesisyunan na lumipat sa Bureau of Meteorology sa Australia? A: Hindi madali 'yung desisyon na ginawa ko kasi nga buong buhay ko halos, nasa PAGASA ako. Una natatakot ako dahil 'pag umalis ako papuntang Australia, I have to resign. Dalawampu't walong taon ka roon, 'yun ang kauna-unahan mong trabaho, kumbaga nakatali na ako. Hindi naging madali ang desisyon. Tinanong ko 'yung aking mga anak. Tinanong ko 'yung misis ko although 'yung misis ko talaga, ayaw niya. Kasi ganoon din, unang trabaho rin niya at hanggang ngayon, narito siya. So sa pag-uusap namin, na itong gagawin ko ay hindi para sa akin kundi para sa mga bata, sa mga anak ko, kasi maraming opportunity sila doon sa Australia. (Watch the GMA report on Cruz's leaving PAGASA here.) Q: Tama po ba para isipin na isa sa mga reasons kung bakit kayo lumipat papuntang Australia ay may kinalaman talaga sa salary? A: Oo naman. Hindi naman talaga mawawala iyon. And, pero next reason na lang iyon. Ang unang-una roon ay 'yung kinabukasan ng aming mga anak. Kasi hindi naman namin kailangan talaga ng sahod kasi graduate na 'yung tatlong anak ko. So ang unang inisip namin talaga is 'yung opportunities para sa mga anak ko, and then of course, nagkataon lang na 'yung sahod mo rin ay mas mataas kaysa current doon sa tinatanggap mo. Q: Gaano po ba ang ratio po ng salary ng PAGASA vs BoM sa Australia? A: Aaah, 'yung ipagtatrabaho mo doon ng isang taon, e ipagtatrabaho mo ng kulang-kulang sampung taon. Q: May current issue po ngayon tungkol sa suspension of benefits sa PAGASA. Ano po ang masasabi n'yo tungkol doon? A: [K]ahit noong nandoon pa rin ako e. Siyempre, ang gobiyerno, minsan, walang pondo. Hindi maibibigay lahat ng benepisyo. Although may batas naman. Naipapasa iyan nang walang kaukulang pondo. Pero kung sabihin natin kung mayroon bang dahilan at mayroon bang karapatan ang mga taga-PAGASA na hingin ang kanilang benepisyo, yes. Tsaka iyon nga, kung ikukumpara mo ang responsibilidad ng PAGASA vis a vis 'yung ibang mga government agencies, e, mas malaking responsibilidad. Dapat lang na bigger... Siguro nga, 'yung mga forecasters natin na imbes na lumipat sa ibang bansa, dapat nating bigyan ng mas mataas na sahod dahil kailangang-kailangan sila. Q: May nagtanong po sa Facebook, "Darwin is a sleepy town in Australia. ["Yes, it's true!" Mang Tani] How did you cope with the change in lifestyle, culture and language?" A: My goodness, naku, dumugo ang ilong ko. Unang-una, hindi ko maintindihan 'yung sinasabi nila. Tapos sila, hindi rin nila ako maintindihan. Ay, biruin mo! Tapos dito, nagpapaliwanag ako, pagdating doon, sumagot ako ng telepono, hindi nila maintindihan 'yung sinasabi ko? Sino ba naman ang... Dios ko, gusto ko nang bumalik dito kaya lang nagresign na ako sa PAGASA. Hirap, napakahirap. Kultura, komunikasyon, kapaligiran, lahat iyon, nagsimula ka sa lahat kaya napakahirap. Q: Gaano po ba kayo katagal sa Bureau of Meteorology? A: Two years. Pero 'yun ngang two years na iyon, hindi pa nga sapat iyon e. Unti-unti ko pa nga lang silang naiintindihan e. 'Yung language 'yung number one kasi, tayo... [sila] mayroon pang Australian accent. Tapos tayo, American accent. And they hate everything that is associated with Americans. Oo! Sports, language, terminologies, lifestyle... They hate them! Q: So, paano po ang ginawa n'yo noon? A: Andoon na ako e. So, I [had] to adapt. Wala akong magagawa. Kahit na hirap ako, lahat iyan pag sumagot ako ng telepono, hindi ka maintindihan. Tapos sila, hindi ka rin maintindihan. Tapos ako, sasabihin ko, "Excuse me, please speak slowly." At doon, hindi ka maiilang. Kasi ang number one, kahit 'yung mga kasamahan mo, magtatanong sila, "Did you understand me, Tani?" Ayan... So pag hindi, uulitin nila. Ganoon sila kabait. Q: How [would] you compare [PAGASA to the Australian Bureau of Meteorology], in terms of technology tsaka organizational structure din? A: Of course, [Australia's] a developed country, so pagdating sa technology, pagdating sa system, pagdating sa equipment, ibang-iba. Of course, they are afar. E tayo siguro, mga 10 years behind, or maybe even more than 10 years. Pati na rin 'yung work attitude ng mga tao. Doon, pag pumasok ka sa trabaho, talagang magtatrabaho ka sa otso oras, ibibigay mo kung ano 'yung alam mo. E pagdating dito... Siyempre nakita ko na 'yung pagkakaiba. Siyempre, sa pangarap ko, hindi lang 'yung technology, kundi pati rin 'yung attitude sa work, sana makuha natin kahit na kalahati lang. Kasi doon, pag talagang di ka masipag, talagang aayaw ka, "Ayoko nito, 'di ko kaya ito." Pero sa kanila, normal lang iyon. COMING HOME Q: Ano po yung nagpabalik sa inyo dito sa Pilipinas ulit? A: Pamilya. Kahit pala gaano kasarap ang buhay mo sa ibang bansa — sahod, alwan, trabaho — pero pag hindi mo kasama 'yung pamilya mo, at ayaw nila, ay mapipilitan kang iwan lahat. Nagkataon nga lang na noong nagdesisyon akong iwan lahat ay narito 'yung GMA para mag-offer ng panibagong oportunidad. Q: Naniniwala po ba kayo sa miracles? A: Yes! And miracles do happen. Because of what happened to my wife, I believe that miracles do happen. KAPUSO CAREER Q: Paano naman po nagsimula ang career n'yo po bilang resident meteorologist dito sa GMA? A: Wala rin sa plano iyan. Hindi ko rin pinangarap na darating ang araw na ako'y haharap sa TV at magiging isang weather forecaster o weather presenter. Siguro talagang lahat ay kapalaran.
Mang Tani's message to fans: "Thank you so much sa tiwalang ibinibigay nila!"
Noong umalis ako ng PAGASA, buo na ang plano ko noon, dito na kami ng pamilya ko [sa Australia]. Hindi ko na inisip na babalik pa ako. Sabi ko, hindi na, siguro para na lang magbakasyon... dadalawin ko 'yung mga nanay ko. Ayun. Ganoon na lang. Pero 'yung sabihin mong titira dito? Hindi. Sandali na lang ako dito. Pero dahil sa nangyari, talaga sigurong kapalaran ko na dito ako mag-stay sa Pilipinas. Q: Paano kayo nag-aadjust? Kasi noong nasa PAGASA kayo, although you go on-cam, hindi naman po sing-extensive dito. A: Yeah. Hanggang ngayon, nag-aadjust pa ako. Unang-una, 'yung words that I have to use, 'yung language, na dapat maging mas simple ako. Noong nandoon ako sa PAGASA, kapag iniintierview ako, siyempre, kung ano 'yung ginagamit namin na mga terminologies, 'yun ang ginagamit ko. 'Yung mga pulu-pulo, hindi na iyan 'yung dapat kong gamitin. 'Yung kung ano pang mga impormasyon ang dapat malaman ng mga tao, considering that we have a system now dito sa GMA, we have the capability. I should say something that people would understand. Hanggang ngayon, nag-aadjust pa ako. Pero number one is paano ka makakapagbigay ng impormasyon sa isang simple at mauunawaan na lenggwahe? Q: How do you feel naman po na lumalaki na ang inyong fan base, na lumalaki na ang inyong following? A: Natutuwa ako. Pero at the same time, at least, people appreciate 'yung pinapaliwanag natin at naiintindihan. Kasi iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito, para mas makatulong sa PAGASA. Kasi ang PAGASA, kung minsan, maglalabas ng impormasyon, minsan di na maiintindihan ng tao. As a forecaster, you don't care. Kanila kasi, nagbigay ako ng warning sa inyo, di ba? Na-realize ko na hindi sapat iyon. Kung tumama ang forecast pero may namatay, wala rin. Pero 'yung forecast mo kahit hindi tumama nang husto pero walang namatay, 'yun, 'yun 'yon. So, natutuwa ako at 'yung mga tao naman pala ay nauunawaan ako at parang 'yung pagbabalik natin ay worth it. Q: Message po sa mga fans? A: Ay! Thank you so much sa tiwalang ibinibigay nila. Tsaka hindi sila ang dapat magpasalamat. Dapat ako ang magpasalamat sa kanila. Dapat silang magpasalamat sa Diyos dahil ginawala Niyang kasangkapan ang GMA para mapunta ako dito. So, magpasalamat sila sa Diyos at tsaka sa GMA. — BM, GMA News