Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Magkapatid na inabuso ng tiyahin, tampok sa 'Wish Ko Lang'


Wish Ko Lang!
Aug 25, 2018
"Kadena ng Kamalasan"

 

Nang mamatay ang ama nina Charm at Princess, sunod-sunod na ang kamalasan sa buhay nila. Lumayas sila sa kanilang tahanan dahil mas naging matimbang raw ang bagong kalaguyo ng kanilang ina kaysa sa kanila. Hindi rin daw sila inaasikaso dahil mas inaatupag pa nito ang pagbibisyo.

Napadpad ang magkapatid sa kanilang mabait na lolo, pero pagdating nila rito, hindi maluwag ang pagtanggap ng kanilang lola at tiyahin. Kapag wala ang lolo nila, dinadala silang magkapatid sa bayan upang mamalimos at pinagpapanggap na pulubi para raw may mai-ambag sila sa bahay. Ngunit may mas matindi pang pinagagawa kina Charm at Princess, at ito ay ang maging ‘runner’ o tagahatid ng ipinagbabawal na gamot.

Tunghayan ang pagganap nina Pauline Mendoza, Devon Seron, Shyr Valdez at Lou Veloso para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang! (#WKLKadenaNgKamalasan), kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

Tags: plug, pr