Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Binatang inabuso ng sariling kaanak, tampok sa 'Wish Ko Lang'


Wish Ko Lang!
Aug 4, 2018
“Little Big Boy”

 


Naranasan ng pamilya ni Jay-R na tumira sa nakaparadang dyip matapos mapalayas sa tinitirhan nila. Kalauna’y iniwan din sila ng kanyang tatay, dahil dito, nahirapan ang ina niya na buhayin silang magkakapatid kaya hinabilin na lang si Jay-R sa kanilang mga kaanak.

Dito na mararanasan ni Jay-R ang matinding pang-aalipusta ng kanyang pinsan. May kahinaan din daw kasi siya sa pag-iisip kaya madali siyang maabuso. Maliban sa madalas na gulangan sa trabaho, ipinapahamak pa siya nito. Ang pinakamatindi ay noong sapilitan siyang pinagamit ng ipinagbabawal na gamot. Matapos nito, malimit na siyang sumpungin at manakit ng taong nasa paligid niya.

Tunghayan ang pagganap ni Kristoffer Martin bilang Jay-R, makakasama niya rin sina Glenda Garcia at Rob Moya para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

Tags: plug, pr