Pag-aalaga ng isang ina sa may sakit na mga anak, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'
Wish Ko Lang!
June 20, 2018
‘Ika nga, hindi raw natatapos ang pagiging ina…Gaya na lang ni Nanay Violeta, kahit malalaki na ang tatlo niyang anak, siya pa rin ang nag-aalaga sa kanila. Maayos naman ang magkakapatid noon at nakapagtrabaho pa pero bigla na lang na isa isa silang tinakasan ng katinuan. Hinala ng marami ay dulot ito ng matinding depresyon.
Naging dagdag pasakit din kay Nanay Violeta nang ma-stroke ang kanyang mister na katuwang niya sana sa pag-aaruga. At mas naging kumplikado pa ang sitwasyon ng ilaw ng tahanan dahil sa paglala ng sumpong ng mga anak at nagiging bayolente pa.
Tunghayan sina Irma Adlawan, Sanya Lopez, Mikoy Morales at Martin Del Rosario para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.