Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kuwento ng binatang biktima ng pananamantala, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'


Wish Ko Lang!
April 21, 2018
“Kasiraang Puri”

 


Ayaw ni Joshua na gawing dahilan ang kahirapan para hindi masungkit ang mga pangarap niya. Kaya nang alukin siya ng kanyang tiyahin para mamasukan bilanghouseboy, agad niyang sinunggaban ito para maipagpatuloy ang pag-aaral niya. Mula noon, nagsikap si Joshua na pagsabayin ang eskuwela at pagtatrabaho para raw mabago ang kapalaran ng kanyang kinabukasan.

Pero isang marahas na insidente ang sisira sa mga plano niya . May isang tao pala na nagmamanman sa binata at nang makakuha ng tiyempo, komo’t mas malaki kaysa kay Joshua, tinakot siya at sapilitang isinama sa isang lugar para siya’y gahasain.

Nang dahil dito, binalot ng kahihiyan at poot si Joshua. Pakiramdam niya’y hindi na siya makababangon sa dinulot na kasiraang puri sa kanya.

 

Tunghayan sina Adrian Pascual, Joshua Jacobe at Glenda Garcia para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

 

 

Tags: pr, plug