Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kuwento ng babaeng tinaga ng sariling kapatid, tampok sa 'Wish Ko Lang'


Wish Ko Lang!
April 14, 2018
"Pinatay ko ang Kapatid Ko"

 


Mula noon daw ay si Rowena na ang paboritong anak sa kanilang magkakapatid. Lagi siyang lamang sa lahat ng bagay, mula sa pagkain, pag-aaral at maging hilig niya ay laging pinapaboran. Kaya naman ang kanyang Kuya Noli, malaki ang hinanakit sa ganitong turingan. Kabaligtaran kasi ang tingin ng pamilya sa kanya, puro problema kasi ang hatid niya, madalas kasi siyang nasa inuman at kilalang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang kinaiinis kasi ni Noli, kapag may palpak o pagkakamali raw si Rowena, hinahayaan lang nila, gaya noong maaga siyang nabuntis at kalaunan ay nahiwalay sa asawa. At nang magkaroon ng bagong manliligaw si Rowena, lalo siyang pinag-initan ng kanyang kuya at ang giitang ito ay humantong pa sa patayan!

Tunghayan sina Meg Imperial, Rodjun Cruz, Rob Sy, John Kenneth Giducos at Eva Darren para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

Tags: plug, pr