Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kasambahay na binugbog ng kanyang amo, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'


Wish Ko Lang!
Nov 11, 2017
"Paghilom"

 


Namasukan bilang kasambahay si Baby para raw sa kinabukasan ng anak niya. Wala na kasi siyang katuwang dahil iniwan daw siya ng nobyong nakabuntis sa kanya.

Mayaman ang among pinagsilbihan ni Baby, pero habang tumatagal, nagiging malupit daw sila sa kanya. Maliban sa pananakit, may pagkakataon na pinakain siya ng panis, pinainom ng pinagpigaan ng mop, kinukulong sa bodega, pinaso ng plantsa at humantong pa sa nasususgatan siya ng malalim dahil sa sobrang pagkakakurot sa kanya. Inilihim lahat ito ni Baby dahil takot din siyang magsumbong,

Hanggang kalian niya kaya matitiis ang ganitong pang-aabuso? 
  
Tunghayan sina Sheena Halili, Irene Celebre at Lovely Rivero para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

Tags: plug, pr