Marco Gumabao, tampok sa 'Wish Ko Lang' sa kauna-unahang pagkakataon
Wish Ko Lang!
Nov 4, 2017
“Iskolar”
Ang binatilyong si Tomas ay mabibilang daw sa mga taong pursigidong makamit ang kanilang pangarap. Scholar siya sa kanilang lugar sa Tuguegarao at naniniwala siya na kapag nakapagtapos at makahanap ng trabaho, magiging susi ito para mabago ang kapalaran ng kanyang pamilya.
? Ang hindi niya lang maunawaan, kung sino pa raw ang nagsisikap, siya pa ang inuulan ng mga problema. Maliban kasi sa iba’t ibang paraan ng pagtitipid para lang makapasok araw-araw, ilang beses na raw sinubok ang katatagan nilang mag-anak. Nariyan ang manakaw ang inaasahang kabuhayan nila, masaksak ang ama niya, magkasakit ang kanyang ina at ang maging working student ay sinabak na rin ni Tomas pati na rin ng kuya niya. Ngunit umaasa pa rin si Tomas na balang araw, masusuklian ang lahat ng pagtitiis at sakrispisyo nila.
Tunghayan sina Marco Gumabao, Yasser Marta, Mailes Kanapi at Archie Adamos para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.