Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Katapangan ng isang babaeng pulis, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'


 


Bata pa lang si Rowena, alam na niya ang tatahaking landas at yan ay ang maging pulis. Nag-iisang babae siya sa pamilya kaya marahil kontra ang ina niya sa ambisyon niya sa buhay at iba na lang daw ang pangarapin niyang trabaho, kahit ano raw basta bagay sa babae. Pero buo na ang pasya ni Rowena, nais niyang sundin ang ibinubulong ng puso niya kaya palihim siyang nagsanay sa pagpupulis.

Hindi raw naging madali ang kanyang training, maliban sa araw-araw na pisikal na pahirap, ang ilan sa mga kasabayan niya ay pinag-iinitan pa siya. Lagi raw siyang inaasar at hinuhusgahan ang pagkababae niya.

Ngunit hindi nagpatinag si Rowena, determinado kasi siyang maging ganap na alagad ng batas. Nang maging pulis na, ito na ang hudyat ng mga totoong pagsubok na kaakibat ng pagsuot niya ng uniporme. Nariyan ang pagtutol pa rin ng ina, ang kapatid niyang sangkot sa ipinagbabawal na gamot at mga ka-baro mismo na duda sa kanyang kakayahan.

Tunghayan ang pagganap nina LJ Reyes, Rob Moya at Glenda Garcia para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

Tags: pr, plug, wishkolang