Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Masamang epekto ng pagkalulong sa online games, isasadula sa 'Wish Ko Lang'


 

Kumplikasyon sa gamot noon ang naging sanhi nang pagkapipi ni Karl. Bahagya siyang nakaririnig ngunit hindi siya nakakasalita. Marahil ito rin naging dahilan kaya  mailap siyang makipag kaibigan. Hanggang sa nakahanap siya ng tila kakampi sa kanyang kalungkutan, ito ay ang paglalaro ng computer games. Masaya siya sa tuwing naglalaro at payag siyang isakripisyo ang gutom o ang hindi mamasahe, basta malaro lang ang paborito niyang RPG o role playing game.

Sa pagdayo niya sa mga computer shop, natuto na siyang makipag-barkada. Pero hindi naging maganda ang unti-unti niyang pagkagumon sa laro, nag-ugat na rin kasi ito para gumawa siya ng masasamang gawain gaya ng pagnanakaw at makipag basag-ulo.

Ayon sa bagong pag-aaral,mahahalintulad na rin ang addiction na ito ng gaya sa pinagbabawal na gamot. Parehong bahagi raw ng utak ang apektado ng isang adik sa droga at adik sa paglalaro ng computer. Ang mga kasong tulad nito ay kailangan daw   maagapan at ma-rehabilitate upang hindi na lumala ang mga gaya ni Karl.

Abangan ang pagganap nina Miguel Tanfelix, Melissa Mendez at Dexter Doria para isabuhay ang mga tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.