Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Mga anak na inabandona ng ina dahil sa abusadong ama, tampok sa 'Wish Ko Lang'


 

Parusa raw mamuhay sa piling ni Pedring ayon sa misis niyang si Nilma. Maliban sa batugan, lagi raw lango ito sa alak.  Ang malala pa, kapag lasing, pinagbubuhatan sila ng kamay.

Ang mga mag-iina ang kumakayod para sa pamilya---dahilan ito kung bakit dalawa sa mga nakatatandang mga anak ang nakipagtanan para makatakas sa ganitong buhay.  Naiwan ang anak na si Ramsey, ang kaisa-isang lalake.  Siya ang madalas na saksi sa pananakit ng kanyang ama sa anak.  Marami ng pagkakataon na kung kalian ipinanangga niya ang katawan para huwag matamaan ng mabibigat na kamay ng kaniyang tatay ang kanyang nanay.  Mas matiisian pa nga si Ramsey kaysa sa kanyang nanay.  Umaasa kasi siyang gaganda ang buhay.  Hanggang sa buhay na nga yata ang ipambabayad ng pamilya sa malas na kapalaran.

Tunghayan ang pagganap nina Miguel Tan Felix, Mickey Ferriols at Dino Guevarra para isabuhay ang istoryang ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

Tags: plug, wishkolang