Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Pag-asa sa loob ng piitan, tampok sa 'Wish Ko Lang'


 

Ang binatang si Victorio “Ayan” Principe, nahinto sa pag-aaral dahil kailangan niyang maghanapbuhay para makatulong na sa kanyang pamilya. Ulila na sa ina at ang ama naman niya ay may sakit na, kaya pansariling pangarap ay isinantabi muna ni Ayan. Ngunit isang araw, papauwi na sana siya sa trabaho sa construction, kinakpakan siya ng guwardiya at nahulihan siya ng marijuana.

Agad siyang pinakulong at dito niya natikman ang totoong hagupit ng kapalaran. Madalas daw siyang makursunada dahil sa bagito siya. Pero dahil naniniwala siya na siya’y inosente, malamang daw ay papanigan siya ng pagkakataon, dahil ang lahat ng ito ay bahagi lang ng isang pagsubok.

Hanggang sa isang programa ang inalok sa mga bilanggo kung saan siya nakapiit, maaari na nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Agad sinunggaban ito ni Ayan, hindi niya inakala na ngayong nakakulong pa niya makakamit ang inaasam na diploma.

Tunghayan ang pagganap nina Julian Trono, Irma Adlawan, Archie Adamos at Rez Cortez para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

Tags: plug, wishkolang