Masalimuot na kuwento ng tatlong magkakapatid, tampok sa 'Wish Ko Lang'
Wish Ko Lang!
May 21, 2016 PR
"Ang Aking mga Kapatid"
Nang maghiwalay ang mga magulang nina Maricar, Mary Jane at Jeffrey, naging hudyat na ito ng parusa para sa kanilang magkakapatid. Ang ipinalit kasi ng kanilang ama sa kanilang ina, ay masungit na madrasta. Walang araw na hindi sila pinag-initan nito at wala rin naming magawa ang kanilang ama rito.
Dahil sa hindi na rin sila maatim na maging kahati sa puso ng kanilang tatay, nagpasya ang madrasta nila na umalis na lang. Ang masakit pa rito, napatunayan na mas matimbang pala sa puso ng kanilang ama ang kasintahan kasi sinundan siya at iniwan naman silang magkakapatid.
At lalong naging mapait ang kapalaran nilang magkakapatid mula noon, ang isa sa kanila ay nahiwalay, mayroong nabulag at ang isa naman ay nagahasa. Ang mas nakakalungkot pa rito, nauwi rin na magkawatak-watak sina Maricar, Mary Jane at Jeffrey.
Tunghayan ang pagganap nina Barbara Miguel, Kyle Ocampo, JC Tiuseco at Cris Villanueva para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.