Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Wish Ko Lang

Isang babae, sinabuyan ng asido ang mukha


  

Ang akala ni Jenny, mahihirapan siyang makahanap ng lalaking iibig sa kanya dahil may anak na siya, pero nabago ang kanyang alinlangan nang makilala ng husto ang amo niyang si Rudy. Sa kabaitan daw kasi nito, mabilis nahulog ang loob niya, humanga kasi siya lalo dahil tanggap ang kanyang nakaraan...lalo na ang kanyang anak sa pagkadalaga. Hanggang sa patuloy na lumalim at tumamis pa ang kanilang pagtitinginan.

Pero ang hindi alam ni Jenny, may lihim pala ang kanyang kasintahan, may asawa na pala ito at kabit lang talaga siya. Nang mabunyag ng misis ni Rudy ang kanilang bawal na relasyon, sa galit nito ay sinugod sila sa trabaho at sinabuyan ng asido si Jenny. Matinding pinsala ang dulot nito sa kanyang mukha at ang naging sanhi rin ng kanyang pagkabulag.

Matapos ng insidenteng ito, nagsama pa rin sila ni Rudy. Ngunit unti-unting nagbago ang kanilang pagsasama, ang dating masaganang pamumuhay ay napalitan ng paghihirap at kamalasan. Pati ugali ng kinakasama ay naging maasim na rin ang palikitungo sa kanya kaya nauwi na rin sa masaklap na hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Tunghayan sina Rochelle Pangilinan, Archie Alemania at Sharmaine Arnaiz para gampanan ang mga nakaka-antig na tagpong ito saWish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.