Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mag-asawang pinaghiwalay ng kahirapan, muling magtatagpo sa 'Wish Ko Lang'


 


 
Para sa mag-asawang Filex at Zeny, kahirapan ang dahilan kaya nagpasya silang magsakripisyo na maghiwalay. Ang ilaw ng tahanan, agad na singunggaban ang pagkakataon na makapagtrabaho sa Kuwait. Tanging ito na lang daw ang paraan para maka-ahon silang mag-anak dahil minamalas daw ang sinasakahan ni Filex sa Mindanao kaya kabuhayan nila ay naantala.

Habang nasa ibayong dagat, hindi rin sinuwerte si Zeny sa napasukang amo, dahil minamaltrato at sinasaktan daw siya. Inilihim niya ito sa kanyang mister dahil alam niyang mag-aalala at pauuwiin lang siya. Pero bigla na ring naputol ang komyunikasyon sa kanyang pamilya, dito na kinutuban si Filex na baka may masamang nangyari na kay Zeny.

Makalipas ang isang taon, nakabalita na lang si Filex na may nakakita raw sa kanyang misis na palaboy sa Maynila. Agad siyang lumuwas para makumpirma ang  balita sa kanyang asawa. Sa laki ng siyudad, hindi biro ang ginawa niyang paghahanap, hanggang sa kapalaran na rin ang  nagpatagpo sa kanila, ngunit ibang Zeny na ang nakita ni Filex, dahil wala na sa katinuan ang kanyang asawa!

Tunghayan ang pagganap nina Mark Herras, Wynwyn Marquez, Mel Kimura at Shyr Valdez para isabuhay ang mga tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

 

Tags: pr