Mga sakripisyo ng isang anak sa ibang bansa para sa pamilya, tampok sa 'Wish Ko Lang'

Wish Ko Lang!?
Bilanggo sa Saudi
Ang pagpunta sa Saudi ang naisip na paraan ni Nenen para matulungan ang kanyang mga magulang. Malayo man, inspirado siya sa kanyang paghahanapbuhay dahil kahit papano ay naibibigay niya ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
Pero inatake ang ama ni Nenen at namatay. Halos gumuho ang kanyang mundo sa pagpanaw ng magulang. Nais niya sanang masulyapan ang tatay bago ilibing kaya nagpumilit siya na makauwi sa kahit anong paraan. At may nagpayo sa kanya na mas mabilis siyang makakabalik sa Pilipinas kung siya ay magpapa-deport. Ganito nga ang ginawa ni Nenen, ngunit nang mahuli siya ng mga kinauukulan, natapat siya sa mga Arabong pulis na nanggagahasa.
Malupit nga ba ang kapalaran kay Nenen, habang kasi siya ay nagluluksa ay nakapiit din siya sa ibayong dagat. Paano siya makakatakas sa malulupit na banyaga?
Tunghayan ang pagganap ni LJ Reyes sa mga tagpo sa buhay ni Nenen sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.