Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Buhay ng isang inang may sakit sa utak, tampok sa 'Wish Ko Lang'
Wish Ko Lang!
Oct 10, 2015 "Para Kay Elisha"
Hindi raw pinalad si Christine sa pag-ibig, dahil iniwan lang siya ng kasintahang nakabuntis sa kanya. Gayunpaman, ayaw niyang mabigo sa pagiging ina kaya lahat ay gagawin niya para sa kanyang unica hija na si Elisha. Kaya kahit mahirap na hanapbuhay, sinisikap niya alang-alang sa anak. Nariyan ang madestino sa malalayo at liblib na lugar at malimit din na nalilipasan siya ng gutom. Pero kahit abala trabaho, sumasagi pa rin sa isip niya ang pag-aalala sa kinabukasan ng anak at ang pagiging sawi ng kanyang puso, na kalaunan ay magdudulot ng mas malaking problema para kay Christine.
Hanggang sa mapansin na nagsasalita siya kahit walang kausap, may nakakasaksi rin ang basta basta na lang na pagbabasa ng Bibliya sa publiko at may pagkakataon din na bigla na lang siyang nananakit ng mga tao sa paligid niya. Hindi malaman ng kanyang pamilya ang biglang pagbabago sa ikinikilos ni Christine. Upang hindi mapahamak, humantong sa itinatali na siya ng kanyang mga mahal sa buhay. Pero ang mas higit na nakapagtataka, kumakalma siya kapag nakikita ang anak na si Elisha. Tila panandalian siyang natatauhan sa mga sandaling batid niya na siya ay isang magulang.
Abangan ang pagganap nina Ryzza Cenon, Rich Asuncion, Barbara Miguel at Irene Celebre sa mga nakaka-antig na tagpo sa buhay ni Christine, ang ina na tinakasan ng katinuan sa Wish Ko Lang! , kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 pm, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
Tags: wishkolang, pr
More Videos
Most Popular