Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Christopher de Leon, gaganap sa kuwento ng buhay ng isa sa mga taga-hanga niya
Wish Ko Lang!
Aug 1, 2015
“Si IDOL Bilang Ako!” Christopher de Leon as Romeo Burlat
Matapos ang 3 serye sa mga kuwento ng mga artista ng kahapon, inihahandog ng Wish Ko Lang ang kuwento naman ng mga tagahanga ng mga bituin sa showbiz. Isasabuhay ng mga iniidolo nila ang kanilang kuwento ng pagsubok at pag-ahon—Si IDOL Bilang Ako. At ang unang episode ay tungkol sa masugid na fan o tagahanga ng drama king ng pinilakang tabing na si Christopher de Leon na si Romeo Burlat. Narito ang kanyang kuwento…
Ang tanging hangarin daw ni Romeo ay ang mahanap ang tunay na pag-ibig. Ito raw kasi ang magbibigay ng saysay sa kanyang buhay. Ilang beses na niyang inalay ang kanyang puso at ilang beses din siyang nabigo sa mga babae. At sa proseso ng kanyang paghahanap, unti-unti niya ring natutuklasan ang sarili, umibig din siya sa lalake.
Nang maging kumplikado na ang ninanais ng kanyang puso, tila mas lalong pinagkakait ni kupido na siya ay sumaya. Sa tuwing nabibigo, nagpapaka-abala na lang daw siya sa kanyang trabaho, pero ang hiling na umibig at ibigin ay hindi raw siya mapagbigyan.
Tunghayan ang pagganap ni Christopher de Leon para isabuhay ang nakaka-antig na kuwento ni Romeo na kanya ring tagahangga. Abangan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 p.m., pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
More Videos
Most Popular