Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang kuwento ng dating action star na si Dan Alvaro, tampok sa 'Wish Ko Lang'




Wish Ko Lang!
presents
“Ningning Ng Kahapon” (The Dan Alvaro Story)
July 18, 2015
 
Dating sirkero sa mga perya at pistahan si Rolando Galura. Ginawa niyang susi ang abilidad niya para maging stuntman sa pelikula. Naging madalas ang pag-double sa mga bida hanggang sa siya mismo ay ginawa na ring bida at bininyagan na siya sa screen name na Dan Alvaro.
 
Uso ang action films, kaya dagsa rin ang mga proyekto sa gaya niyang action star. Pero tatamlay ang pagtangkilik sa ganitong tema ng pelikula, ang mga producer, ayaw nang sumugal kung hindi papatok sa takilya.
 
Isa si Dan sa mga artistang higit na naapektuhan. Maging ang personal niyang buhay, nadamay. Ang madalas daw na puno’t dulo ng away nilang mag-asawa ay…pera!  Nawalan ng kabuhayan at nagkawatak-watak sila ng kanyang pamilya. Napilitan pa ngang mamasukan bilang domestic helper sa Hong Kong ang kanyang asawa. Sinong mag-aakala na ang dating marangyang buhay, magiging abala na sa pag-aahente ng lupa at paminsan minsa’y nangangasiwa rin ng pagkalakal ng plastik at bakal. 
  
Tunghayan ang pagganap nina Rafael Rosell, Dianne Medina at Sheree sa nakaka-antig na kuwento ng buhay ni Dan Alvaro. Abangan yan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 p.m., pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.