Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang kuwento ng komedyanteng si Caloy 'Ogag' Alde, tampok sa 'Wish Ko Lang'
Simula July 11, inihahandog ng Wish Ko Lang ang mga kuwento ng mga dating bituin na tila naglaho ang kinang sa showbiz. Bakit nga ba naubos ang suwerte sa kanilang kapalaran? Paano nga ba nagpatuloy ang buhay, gayong nanlamig na ang industriya sa kanilang angking galing?
Wish Ko Lang!
Wish Ko Lang!
“Ningning Ng Kahapon” (The Caloy “Ogag” Alde Story)
July 11, 2015
Magkahalong suwerte, sipag at pakikisama, ito raw ang mga naging sangkap kaya naging ganap na artista raw si (Carlos) Caloy Alde. Sino raw kasi ang mag-aakala na ang isang kagaya niyang tindero ng balot, daing at tinapa ay magbibida sa pelikula at telebisyon? Tadhana ang nagdikta ng kanyang kapalaran, matapos manalo sa isang patimpalak, nalinya na siya sa TV production. Nagsimula bilang utility hanggang sa nag- ekstra at nakitang may ibubuga rin sa pagpapatawa, hanggang sa napabilang na siya sa mga cast ng ilang sitcoms at comedy shows.
Pero isang taon na raw hindi natin napapanuod si Caloy, tila biglang naglaho siya sa industriya. Nangyari na ata sa kanya ang kasabihan na wala raw permanente sa mundo ng showbiz, darating ang araw na mawawala ang kinang ng iyong bituin. Maaaring ang dahilan nito ay sariling kapabayaan, o di kaya’y may pumalit sa kanya na mas may itsura at mas mahusay? O sadyang minalas lang talaga siya at napagkaitan ng pagkakataon.
Ano kaya ang naging dahilan sa pagbagsak ng karera ni Caloy? Ang dating komikero ay napabalitang nagtitinda na lang daw ngayon ng ihaw-ihaw sa kanilang lugar.
Tunghayan ang pagganap nina Mike “Pekto” Nacua at Janna Dominguez sa nakaka-antig na totoong kuwento ng buhay ni Caloy sa likod ng kamera. Abangan yan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 p.m., pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
More Videos
Most Popular