Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Pag-ibig na tinapos ng sunog sa Valenzuela, tampok sa 'Wish Ko Lang'




Wish Ko Lang!
"S U N O G"
May 30, 2015

 
Si Jen at si Junjun---mag-asawa at magkatrabaho sa Kentex factory.  Pabrika ito ng tsinelas.  Sandali lang daw umalis ng pabrika si Junjun dahil nautusan ng boss niya na sumaglit sa kabilang opisina.  Matamis na paalamanan pa raw ang naganap sa kanilang dalawa.  Habang magkawalay, kapwa sila excited sa nalalapit nilang wedding anniversary.  Pero nilamon ng apoy ang buhay ni Jen at maging ang mga pangarap nilang mag-asawa dahil noong Mayo 13---nasunog ang Kentex Factory sa Valenzuela.  Napakarami ang namatay.  Marami rin sa mga bangkay, hindi na nakilala, hindi naiburol, hindi napangalanan ang libingan.  Nagluluksa sila, umiiyak pero sa isang mass grave…naroo’t halu-halo ang mga labi ng mga biktima.

Paano nga ba uusad ang buhay ng naiwan ni Jen at maging ang iba pang nasunog sa pabrika gayong hindi sila naihatid sa huling hantungan?  Ano nga bang hatid na pakikiramay ng Wish Ko Lang sa mga namatayan?

Tunghayan ang kuwento ni Junjun at Jen sa pagganap nina Rodjun Cruz at Ryza Cenon.  Ilalahad ni Vicky Morales kung paano umusbong ang kanilang pagmamahalan at kung paano natupok ng apoy ang kanilang mga pangarap…ngayong Sabado 3:15 ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA.
Tags: plug