Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kuwento ng pagbabagong buhay ng isang bully, tampok sa 'Wish Ko Lang'
Kapag may naliligaw ng landas at napapariwara, sapat na bang rason na siya’y nagpapapansin lang? ‘Di kaya kulang lang siya sa gabay? Sabi naman ng iba, nasa tao mismo kung bakit ganoon ang kanyang ikinikilos? Pero hindi pa huli ang lahat, dahil ang nakaraan ay maaari nating i-wasto. At mas masuwerte tayo kung may mga taong patuloy na nagtitiwala at naniniwala na kaya nating magbago.
Gaya ni Joshua, masasabing notorious siya pati ang kanyang barkada. Sila ang mga pasaway na madalas kinaiinisan dahil kapag nagsama-sama, tiyak na gulo lang ang hanap. Masasabi na kapag nagpatuloy sila sa ganitong gawi, landas ng kriminal ang magiging kapalaran nila. Ang madalas nilang puntirya, mga walang kalaban-laban na gaya ni Ronny. Palibhasa tatahi-tahimik at pinagdududahan na beki, siya ang malimit na kinukursada. Ngunit hindi siya nagtatanim ng galit kahit na nasasaktan na siya, sa halip hinihikayat pa nga niyang magbago si Joshua at mapalapit sa Panginoon. Pero madudungisan ang “astig” na imahe ni Ronny, tiyak makakantsawan ng mga kaibigang sutil kung makikinig siya sa payo ng isang bading.
Dahil sa patuloy sina Joshua sa asal nilang kalokohan, nasabit sila sa krimen at nadakip ng pulis. At sinong mag-aakala na ang lagi nilang kinakawawa na si Ronny pa ang gagawa ng paraan para siya makalabas ng piitan? Mula noon nagbago na si Joshua at naging magkaibigan na sila ni Ronny.
Para isabuhay ang kuwentong ito, tunghayan sina Martin del Rosario, Juancho Tivino, Arvic Tan, Mikoy Morales at Tina Paner para sa pagtatanghal ng Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng GMA Tales Of Horror sa GMA-7.
Tags: plug
More Videos
Most Popular