Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

'Wish Ko Lang!' airs at 3:45 PM this Saturday!


Gaya ng sinong magulang, pangarap nina Tatay Arturo at Nanay Evelyn na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Kaya pilit silang nagsisikap para maitaguyod sila. Pero sa halip na magandang kapalaran ang kumatok sa kanila, sunod sunod na kamalasan ang dumating sa buhay nila. Nariyan ang napipintong pagkabulag ni Nanay Evelyn, ang anak naman ay nagka- dengue at si Tatay Arturo naman, dahil sa kumplikasyon ng diabetes, lumala ang sugat sa paa kaya kinailangang putulin ito. Mga naipundar na gamit kanilang mga naibenta. Pati ang pagpapaopera sana sa mata ni Nanay Evelyn,  naudlot na rin, nagpaubaya muna siya para maagapan ang iniinda ng kanyang mister.

Dahil sa mabibigat na gastusin, umalis na rin sila sa inuupahang tahanan at koral ng baboy ang nagsisilbing kanlungan nila ngayon. Pero patuloy ang laban nila sa hamon ng buhay, ang haligi ng tahanan, kahit putol na ang isang paa, namamasada ng pedicab habang ang ilaw ng tahanan, kahit wala na halos makita ay tumatanggap pa rin ng labada.

At para isabuhay ang kuwentong ito, ang mga batikang artista na sina Bembol Roco at Jacklyn Jose ang gaganap bilang mag-asawang Arturo at Evelyn.

Habang ang Spongecola, may nilulutong sorpresa para sa mga tagahangga. Tinipon muna ang fans sa isang lugar kung saan akala’y pakikinggan ang ginawang bagong kanta ng banda. Pero ito’y gimik lang, dahil ang mismong banda ay nakatago lang at ang totoong pakay ay sorpresahin sila. Instant konsiyerto ang magaganap para sa mga tagahangga!

Tunghayan ang mga kuwentong ito sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon sa GMA-7.