Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Celia Rodriguez, sasabak sa naiibang experiment ng 'Wish Ko Lang!'
WISH KO LANG!
Date of Airing: April 26, 2014
Time of Airing: 4:45 PM, GMA 7
Ang Primera Kontrabida at beteranang aktres na si Miss Celia Rodriguez ay makiki-bahagi sa "Wish Ko Lang!" para sa isang misyon, ang makahanap ng mga bagong IDOL. Sila ang mga nakahahangang nilalang na pinapairal ang kabutihan sa kanilang kapwa. Sasabak si Miss Celia sa isang eksperimento kung saan magpapanggap siya na taliwas sa kadalasang papel niya, dahil siya naman ang kunwaring maaapi. Kung makasaksi nito,isang ginang na hinahamak, ano ang iyong gagawin?

Habang sa La Union, makikilala si Lola Anna, pero ibahin daw siya sa mga senior citizen sa kanilang nayon, hindi pa kasi siya uugod uugod gaya ng iba. Sa edad na animnapu’t apat, sumasabay pa siya sa mga magigiting na maninisid sa kanila. Sa ilalim ng dagat, hanap niya ay mga maritangtang o sea urchin, hinuhuli niya ito at saka ibebenta para may maitulong sa kanyang pamilya.
Minsang naming umikot ang mundo ni Charlie Arcega sa maningning na industriya ng showbiz. Ilang taon din siyang naging pangulo ng Famas, isang respetadong organisasyon na kumkilala sa husay ng mga artista sa pag-arte. Habang sa kanyang pamumuno noon, naging malapit siya sa mga sikat na artista kaya naman maituturing niyang masayang kabanata ito ng kanyang buhay. Ngunit noong 2011, siya ay na-stroke, wala raw halos nakaka-alam sa kanyang sinapit. Humiling ang kanyang pamangkin na sana raw ay higit pa sa pagsariwa sa ala-ala ang maganap upang muling maibalik ang ngiti sa kanyang pinakamamahal na tiyuhin.
Tunghayan ang mga kuwentong ito sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, 4:45 PM, Sabado sa GMA-7.
More Videos
Most Popular