Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang kakaibang mukha ni Rommy, tampok ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang!'


WISH KO LANG!
Date of Airing: February 15, 2014
Time of Airing: 5:45 PM



Sa mundong puno ng paghuhusga, tunay nga bang bukas ang ating mga mata sa kung ano ang totoo, tama at maganda lamang? Ito ang dahilan kaya ang diskriminasyon ay kinahaharap ng mga taong may kakaibang katangian. Halimbawa na nga rito ay ang mga taong may kondisyon na dwarfism o kung tawagin natin ay unano. Sila ang nais bigyan ng boses ng Wish Ko Lang! sa ginawa nitong eksperimento. Pakay nito’y para patunayan na nararapat sila sa patas na pagtrato.



Habang ang binatang si Rommy, takaw-lingon daw kahit saan siya magpunta , ngunit hindi niya raw gusto ang atensiyong ito, dahil batid niyang takot at diri ang mga tinging nakukuha niya. Siya kasi ay may kakaibang kondisyon sa mukha na kung saan ay parang natutunaw ito. Kaya kadalasan ay mailap siya sa tao. Sa kabila nito, iniisip na lang niya ang kanyang magiging kinabukasan, kaya kahit disi-nuebe anyos na, siya ay 4th year high school pa lang at umaasa rin siya na makatungtong din sa kolehiyo. Pero ang pangarap na ito ay naka-depende sa kanyang kinikita bilang hardinero at janitor.  

Tunghayan ang mga kuwentong ito sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, 4:45 pm, Sabado sa GMA-7.