ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang "blind date" ni Star at ang kaarawan ni Jesus sa 'Wish Ko Lang!'


WISH KO LANG
Date of Airing: January 4, 2014
Time of Airing: 4:45 PM

Obese

Sa isang restaurant, unang beses pa lang magtatagpo ang dalagang si Star at ang binatang si Marlon. Sa telepono at chat nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na unti-unti ay nahaluan na rin ng kilig. Nang magpasya na silang magkita, nauwi ito sa pagkadismaya. Hindi kasi inakala ni Marlon na ang kakatagpuin niya ay malayo sa inaasahan niyang itsura ng dilag, ang tumambad kasi sa kanya ay isang matabang babae. Pakiramdam niya ay nilinlang siya kaya sa kanyang inis, panay ang pang-aasar niya kay Star, na humantong sa pagkatiklop sa hiya ng babae sa maraming tao. Kung ikaw ang makasaksi nito, ano kaya ang iyong gagawin?

Isa itong sitwasyon na madalas daw mangyari sa mga taong sobra ang timbang at ito rin ay isang eksperimentong nilatag ng Wish Ko Lang! upang makahanap ng mga taong handang umadya o sumaklolo sa naa-api. Mga kamera ay ikunubli at hinudyat na ang mga kasabwat sa kunwaring blind date. Pag naganap na ang kunprontasyon, hahayaan ba ng mga nasa paligid na hamakin lang si Star ni Marlon?

Kaarawan Ni Hesus

Sa mga nakalipas na kaarawan ni Paolo Jesus Camarillo na sabay din ng Pasko, imbes na masabik at matuwa, nabahiran na ito ng pangamba. Hindi niya kasi alam na baka ito na ang huling beses na ipagdiriwang ito. Siya kasi ay may kanser at tinapat na sila ng doktor na may taning na ang kanyang mga oras sa mundo. Mahirap daw sa isang tao para tanggapin ang katotohanang ito, pero humuhugot siya ng lakas mula sa mga taong mahalaga sa kanya. Isang kabigan ang nagparating ng kuwento niya sa Wish Ko Lang!, humiling na sana raw ay maging espesyal ang darating na kaarawan ni Jesus, upang maiparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa at walang iwanan sa kanyang laban sa buhay.