Ang Pagbabalik-Tanaw sa mga Kahilingang Natupad sa 'Wish Ko Lang'
WISH KO LANG
Date of Airing: December 28, 2013
Time of Airing: 4:45 PM
Bago matapos ang 2013, muling sasariwain ng Wish Ko Lang! ang mga kuwentong nagpaluha at nagpasaya sa inyo. Higit sa lahat, may sangkap ito na nagpatatag ng loob sa inyo upang maniwala sa katuparan ng mga pangarap.
Ilan sa mga natampok na kuwento ay kapupulutan ng aral at inspirasyon. Sila ay mga taong tila sinakluban ng langit dahil sa tindi ng pagsubok na kanilang dinadanas. Pero sa kabila nito, patuloy ang kanilang pagtitiyaga para malampasan ang unos sa buhay.
Lahat daw ng nilalang ay may minimithi sa buhay. Kabilang na rito ang mga inidolo nating artista. Ilan sa kanila ay nawala na ang ningning nang tumamlay ang karera. Bilang pagkilala sa kanilang na-iambag sa industriya, kakaibang handog na sorpresa ang binigay sa kanila.
Pero ang higit na nagbibigay lakas sa amin para ipagpatuloy ang aming adhikain, ang mga ngiti ng pasasalamat mula sa mga kababayan natin na nagkaroon ng panibagong pag-asa. Lalong mas matamis pa ito kung galing sa mga batang natupad ang mga kahilingan.