Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Si Gloc-9 at ang mga batang rapper ng Davao sa 'Wish Ko Lang'
Sa Davao, isang grupo ng mga batang rapper ang kinagigiliwan at dinadayo ng mga turista. Pagkatapos ng klase, pumupunta sila sa tabing dagat at saka magpapakitang gilas sa pag-rap. Marami ang natutuwa kaya sila ay inaabutan ng pera na siya namang nagiging pambaon nila o kaya’y kanilang itinutulong sa kanilang pamilya. Nahilig sa pag-rap dahil sa paghanga sa sikat at mabilis na rapper na si Gloc-9. Hindi alam ng mga bata na sosorpresahin sila ng kanilang idolo! Dadayuhin sila mismo ni Gloc at tutulungan sila para lalo nilang pag-igihan ang napiling libangan at sining.
Humiling naman si Michael para sa kanyang ina na malapit na raw mabulag. Bago raw mangyari ito, sana raw ay mahanap ang anak na pina-ampon noon. Ayon kay Michael, ang tanging pinanghahawakan nilang impormasyon ay nasa Tacloban daw ang kanyang kapatid. Pagkalipas ng tatlong dekada, makikita pa kaya ng ina ang kanyang nawawalang anak?
Abangan ang pasiklaban ng mga batang rapper at ni Gloc 9… At matanggap kaya ng anak kung bakit siya pina-ampon ng ina? Abangan sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky
Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7. Para sa karagdagang updates, sundan ang Wish Ko Lang! sa Facebook at Twitter.
Tags: plug
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular