Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paano kaya manligaw ang isang beki?


 

 

APRIL 13, 2019

Ang pag-ibig daw, walang kinikilalang kasarian at hindi tumitingin sa panlabas na anyo.  Iyan ang pinatunayan ng pagmamahalan nina Percival a.k.a Tina Tuklaw isang gender queer bisexual comedian at si Susana na isang babaeng kuba na inakalang wala nang magmamahal sa kanya.

Nakilala nila ang isa’t-isa nang kailangang lumipat ng bahay si Tina Tuklaw matapos na ‘di na siya magstay-in sa bar na pinapasukan n’ya.  Hindi naman niya akalaing ito ang magiging dahilan para makilala niya ang babaeng magpapatibok ng puso n’ya—Si Susana, ang caretaker ng bagong apartment na titirhan ni Tina Tuklaw.

Unang kita pa lamang daw ni Tina Tuklaw kay Susana ay agad na s’yang na-‘TaranTulala’ o “tarantang tulala”!  Sa umpisa ay na-confused sa kanyang pakiramdam si Tina Tuklaw:  paano s’ya iibig sa isang babae, eh isa raw s’yang beki?  At bakit sa gaya pa ni Susana na isang babaeng kuba?

Pero sa tuwing nakikita niya ang dalaga, patuloy ang pagiging “tarantulala” niya.  Kumpirmado, miibig na si Tina Tuklaw kay Susana!  Katulad ng isang straight na lalaki, umakyat siya ng ligaw kasama ang kanyang beki friends. At hindi nagtagal ay nakuha naman niya ang matamis na “oo” ni Susana.

Ngunit naging tampulan ng tuksuhan ang kanilang relasyon.  Dagdag pa rito, malalagay sa peligro ang buhay ni Susana at ng kanilang magiging anak.  Paano paglalabanan ng dalawa ang matitinding pagsubok?

Tampok sina Alwyn Uytingco at Eunice Lagusad sa WAGAS: “TanranTulala Sa’Yo”  Sabado, 7PM sa GNTV.