Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Patay na nabuhay, tampok sa ‘Wagas!’


 



Kung pagbabasehan ang kuwento ng ginang na si Jenny Rebutazo, tila naglakbay raw ang kanyang kaluluwa nang siya’y na-comatose sa ospital dahil sa panganganak.  Nagpagala-gala raw siya at tila nakikipaghabulan kay Kamatayan na gusto na siyang sunduin. 

Pero pilit siyang lumalayo sa kanyang tagasundo dahil inisip niya ang kalagayan ng kanyang anak na si Rolex at ang asawang si Alex na hindi sumuko hangga’t hindi s’ya nagigising.  Nasaksihan din umano ni Jenny ang sakripisyong ginawa ng asawa habang wala siyang malay sa ospital.

Nang dumating sapunto na pinamimili na siya ng daan patungo sa kabilang buhay, tila pinabalik s’ya ng labis na pagmamahal ng asawa dahil milagrong muling nabuhay si Jenny.

Gaganap bilang mag-asawang Rebutazo sina Ina Feleo at Dion Ignacio.  Abangan ang ikalawang pagtatanghal na ito ng Wagas ng Kababalagahan ngayong Oktubre.

Mapapanood ang Wagas tuwing Sabado, 7 PM sa GMA News TV.

 

Tags: wagas