Janine Gutierrez, gaganap sa kuwento ng 'Wagas' na pag-ibig ni Apo Whang-Od
ANG PAG-IBIG NI WHANG OD NGAYONG SABADO SA WAGAS!
Ngayong darating na Sabado abangan ang ikatlong malaking istorya sa ikatlong taong anibersaryo ng WAGAS--- ito ang ekslusibong kwento ng pag-ibig ni Whang Od, ang tinaguriang “Huling Mambabatok ng Kalinga”.
Sa gitna ng patuloy na deliberasyon kung idideklara siya bilang isang National Artist, ikinuwento ng 95-year old World Renowned Tattoo Artist na si WHANG OD ang kanyang “One Great Love” sa kauna-unahang pagkakataon sa telebisyon. Puno ng tattoo ang buong katawan ni Whang Od maliban sa isang espasyo sa kanyang kanang braso na inilaan niya sana para ibatok ang pangalan ng nag-iisang lalaking kanyang minahal. Isang natatanging pagganap ang matutunghayan kina Janine Gutierrez, Rocco Nacino at Stephaniel Sol sa obrang likha ni Rember Gelera.
Dumayo ang Wagas sa Mountain Province para kunan ng makatotohanan ang buong kwento bilang pagdiriwang pa rin ng ikatlong anibersaryo ng programa. Abangan ang unang bahagi sa Pag-Ibig ni Whang Od ngayong Sadado, March 5 2016 7PM sa WAGAS sa GMANEWSTV!