Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Babaeng umibig nang 'wagas,' nasungkit ang puso ng kaniyang dream boy
“Kapag nakita mo na si BaE na iyong 'The One,' LOVEan lang ng LOVEan!”
Sawi sa pag-ibig si Yen at sadyang hirap magka-boyfriend. Pero nang makilala niya si Joel nagbago bigla ang mundo niya, sa unang pagkakataon ay nakita na niya ang lalaking magpapasaya sa kanya. Unang pagkikita pa lang – si Joel na raw ang kanyang pinapangarap na pag-ibig.
Naging mahirap man ang kanilang relasyon ay di nagpatalo si Yen sa mga pagsubok. Ginawa ni Yen ang lahat para lamang makasama ang lalaking mamahalin niya habang buhay. At hindi nagtagal, napa-ibig niya si Joel.
Kung sa wakas ay tumitibok na bilang isa ang dalawang puso, kakayanin pa kaya nitong kalabanin ang tadhanang maaring magpahiwalay sa kanila?
Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pinangarap mong pag-ibig?
Tunghayan ang kwento ng babaeng naging matapang, mapusok at di nagpatalo sa lahat ng hadlang makasama lamang ang kanyang mahal.Tampok sina Cai Cortez at Marc Abaya abangan ngayong Sabado 7PM sa WAGAS!
More Videos
Most Popular