Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

'Friends to Lovers': The Raffy Tima and Mariz Umali Love Story



AUGUST 9, 2014, 7PM, GMA NEWS TV
 
“Friends to Lovers”
The Raffy Tima and Mariz Umali Love Story  
(Starring: JC Tiuseco & Bettina Carlos)


Pagkakaibigang humantong sa pag-iibigan --- ito ang buod ng kwento ng pagmamahalan ng mag-asawang broadcast journalist na sina Raffy Tima at Mariz Umali.

Higit sampung taon naging mag-barkada ang dalawang respetadong mamamayahag bago nila napagtanto at natanggap na swak na swak din silang maging "more than just friends."

At sa kanilang storya, tila mapatutunayang ang pagiging mabuting magkabigan ay isang matibay na pundasyon ng isang pang-matagalang samahan.

Tinuring mang “kuya-kuyahan” ni Mariz si Raffy sa loob ng mahabang panahon, ‘di pa rin niya napigilang mahulog din ang loob sa lalaking hindi nawalay sa kanyang tabi sa lahat ng kanyang pinagdaanan --- sa buhay reporter man o personal.

Tampok sina JC Tiueseco sa papel na Raffy Tima at Bettina Carlos sa papel na Mariz Umali, abangan ang nakakakilig na real-life love story na ito sa Wagas ngayong Sabado, August 9, 7pm, sa GMA News TV.

Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11