Back-to-school pambaon recipes
Isa ka ba sa mga magulang na nais magpabaon sa iyong mga anak ng masusustansya at masasarap na pagkain ngunit walang sapat na oras para gawin ang mga ito?
Kadalasang hamon para sa mga magulang ang maghanda ng mga pambaon na hindi lang masustansya kundi sigurado ring magugustuhan ng mga bata. Bukod kasi sa kakulangan ng oras sa umaga, kadalasang mas hilig din ng mga estudyante na magbaon ng mga pagkaing nakasanayan na nila. Kaya naman minsan, hindi sila nakakukuha ng balanseng nutrisyon.
Ngayong back to school na ang marami sa mga estudyante, naghanap ng mga masusustansya at easy-to-prepare recipes ang GMA-7 morning show na “Unang Hirit.”
Veggie Burger Steak ni Chef Hasset Go
Mga sangkap para sa patties:
1/2 tasang munggo, luto
Sibuyas (puti)
Bawang
Carrots
Kamote
Mantika
Toyo
Mustard
Paminta
Curry powder
Bread crumbs
Basil o cilantro parsley
Asin at paminta
Mga sangkap para sa sauce:
Ketchup
Toy
Brown sugar
Suka
Mustard
Hot sauce (optional)
Asin
Paminta
Proseso sa paggawa ng patties:?
1. Initin ang 2 teaspoon na mantika sa kawali sa katamtamang init.
2. Iprito ang sibuyas, bawang at ang mga gulay sa loob ng limang minuto o hanggang sa lumambot.
3. Paghaluin ang munggo, kamote, sibuyas, bawang, bread crumbs, curry powder, basil, asin at paminta. Maaari rin itong ilipat sa isang food processor at ipulse kasama ang munggo, liquid flavor spice at asin. Hintaying mahalo ito pero panatilihing chunky pa rin.
4. Ihugis golf ball at pisatin ang mixture para maging patties.
5. Iprito ang patties ng dalawa hanggang tatlong minuto kada panig hanggang maging kulay brown ito.
Proseso sa paggawa ng sauce:
Sa isang bowl, paghalu-haluin lahat ng mga sangkap para sa sauce.
Health benefits: Mayaman ang carrots sa betacarotene na pampalinaw ng mata. Magandang source din ng carbohydrates ang kamote. Mapagkukunan ito ng mga bata ng enerhiya na kailangan nila sa paaralan.
Fish Nuggets ni Chef Elbi Tuesday Paza
Mga Sangkap:
Sardinas
Sibuyas
Carrots
Harina
Itlog
Kinchay
Asin
Paminta
Mantika
Proseso:
1. Ihiwalay ang sardinas sa sauce nito. Patuyuin ang sardinas.
2. Durugin ang sardinas at haluan ng sibuyas, kinchay, carrots, itlog at harina.
3. Ihugis ito sa maliliit na patties bago iprito.
4. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
Health benefits: Mayaman sa calcium, phosphorous, protein, potassium at iron ang fish nuggets.
Adobo Flakes ni Nancy Reyes Lumen
Mga Sangkap:
Pecho
Pork casim
Asin
Toyo
Suka
Bawang
Paminta
Dahon ng laurel
Kasubha
Harina
Achuete powder
Baking powder
Proseso:
1. Pakuluan ang mga hiniwang piraso ng manok at baboy.
2. Kapag malambot na, i-drain nang mabuti ang tubig mula dito.
3. Paghima-himayin ang mga piraso ng mga manok at baboy gamit ang tinidor at saka durugin nang pinung-pino.
4. Sa isang kawali, pagsama-samahin ang mantika, kasubha, harina, baking powder at achuete powder.
5. Ilagay ang hinimay na karne sa mixture ng harina, kasubha at achuete powder.
6. I-deep fry ito hanggang maging medyo tuyo.
7. I-drain ang mantika nang mabuti.
8. Palamigin ito at i-deep fry hanggang maging malutong. Pwede rin itong i-toast sa oven toaster pero kailangang maging alisto dahil pwede kaagad itong masunog sa sandaling oras.
9. Maaaring magdagdag ng kamatis at spring onion para mas maging masustansya ito.
Health benefits: Mayaman sa protina ang Adobo Flakes.
Tip: Maaaring ihanda ang pinaghalong hinimay na manok at baboy at mixture ng harina, kasubha at powder nang mas maaga para ipiprito na lang ito sa umaga.
- Compiled by: Lara Gonzales/CM, GMA News