Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

UH Hiritan 2013: Unang Panukala


Pangunahing tungkulin ng isang senador ang paghahain ng mga batas para sa bayan. Anu-ano ang mga unang batas na nais ipanukala ng mga kumakandidatong senador kung sakaling manalo sila ngayong Eleksyon 2013? ‘Yan ang inalam ng “Unang Hirit” sa Hiritan 2013: Unang Panukala.

Question: Kung manalo ka bilang senador, ano ang iyong unang panukala?

Samson Alcantara (Social Justice Society)
Anti-Political Dynasty Bill

Ang una kong ipapanukalang batas ay 'yung nag-define ng at nagpo-prohibit ng political dynasties upang dito sa Pilipinas, magkakaroon tayo ng pantay-pantay na pagbibigay ng kapanyarihan hindi lang sa a few families.




Sonny Angara (Team PNoy/LDP)
College Scholarships

Number one ‘yung pagpadami po ng government scholarships. Sa ngayon, gumagastos ho tayo ng anywhere from P10 billion to P12 billion. Dapat nasa P25 billion sa tingin ko ang tamang porsyento na nagugugol po sa edukasyon sapagkat 20 percent lang ng ating kabataan ang nagkakaroon ng tyansa na pumasok po sa kolehiyo o magkaroon ng higher education degree, vocational course, etc.


Bam Aquino (Team PNoy/LP)
Trabaho Act

Isang batas po na tutulong sa mga kabataan natin na makukuha ng mga mas akmang trabaho para sa kanila na mas bagay rin sa mga pinag-aralan nila. So we're going to call this "Trabaho Act," ‘no? Kung saan mali-link up po natin ‘yung mga education institutions at 'yung ating mga industriya para mas responsive 'yung ating educational institutions dun sa mga trabaho na maaaring makuha ng mga kabataan.


Greco Belgica (Democratic Party of the Philippines)
Flat Tax System

Ang una kong ipapanukala ay ang flat tax system. Ito ang pinakamababa, pinakasimple at isang klaseng buwis na pwede nating ibigay sa neto ng ating kinikita. Hindi tataas ng 10 porsyento ng iyong kinita. Aalisin po nito ang lahat ng klase ng pinapataw sa ating buwis. Pag ‘yan po ay ating ginawa, bababa ang presyo ng bilihin, lalaki naman po ang kita ng mga negosyo at lalaki rin po ang take home pay ng mga tao.

Nancy Binay (UNA)
Free Vaccination, Karagdagang Day Care at Feeding Centers
Gusto kong mag-focus dun sa zero to five years old na age group ng ating mga kabataan. So unang-una, 'yung sinasabi ko na dapat palawakin pa natin 'yung free vaccination program. Tapos ang next ay 'yung madagdagan pa 'yung daycare at feeding centers hindi lang sa mga probinsya. Ang proposal ko nga ay dapat 'yung mga government offices natin may ganung facilities for our government officials.


Teddy Casino (Makabayan)
Pagtanggal o Pagbawas sa VAT

Ang una ko pong panukalang batas na isusulong ay ang batas para tanggalin o bawasan ang value added tax sa kuryente, sa tubig, at sa LPG upang mapababa ang presyo ng mga basic utilities at nang gayon ay makapagbigay ng ginhawa kahit kaunti man lang sa ating mga pamilya at sa ating mamamayan.



Alan Peter Cayetano (Team PNoy/NP)
Presyo, Trabaho, Kita

Ang PTK no, ay isang paraan na 'yung adbokasiya ng mas mataas na edukasyon para mas magkaroon ng trabaho at mas mataas na antas ng edukasyon para mas maganda halimbawa ang trabaho na makuha ng mga tao. Ito din ay isang paraan na pagusapan ang presyo dahil marami pang pwedeng gawin para ang presyo ay maging abot kaya. Ito din ay tungkol sa kita. So, kaya sinabing PTK dahil presyo, trabaho, kita.

Tingting Cojuangco (UNA)
Barangay Livelihood

May mga barangay captain ay dapat sila ay may mga proyekto na sarili nila na i-implement. Pwedeng mga 300,000, pwedeng 1 million, pwedeng more than 1 million at kung ibibigay itong pera sa kanila, sa kanila talaga. Mayroon silang direct hiring of those who are jobless in the barangay. Ito ho 'yung tulong na pwedeng ibigay para may mga livelihood 'yung mga walang trabaho sa kani-kanilang barangay.


Rizalito David (Ang Kapatiran Party)
Anti-OL, Dynasty at Pork Barrel, Gun Control at FOI

Unang una naming pagbubuhusan ng pansin sa senado ay ang pagbabawal sa mga political dynasties, ang pagbabawal sa pagkakaroon ng pork barrel, ang pagkokontrol ng pagmamay-ari at pagdadala ng baril sa mga pampublikong lugar at isusulong po namin nang masinsinan 'yung Freedom of Information Law, no.



JC Delos Reyes (Ang Kapatiran Party)
Anti-Political Dynasty Bill

Yung [anti-]political dynasty bill na 27 years hindi pa po napapasa-pasa. Gusto nilang magkaroon ng kalakalan ang Pilipinas, maraming negosyo, maraming trabaho ngunit imposible po yan kung namamayagpag at nangingibabaw 'yung political dynasties sa mga local governments.



JV Ejercito-Estrada (UNA)
Dagdag Budget sa Tertiary Education

Ipapanukala ko ang batas na ipagpatuloy na taasan at dagdagan ang budget para sa tertiary education nang sa ganoon magkaroon tayo ng mas maraming graduate. Kapag mas maraming graduate, mas malaki ang tyansa na maiangat natin ang antas sa buhay maging ang pamilya.




Jack Enrile (UNA/NPC)
Food for Filipinos First Act

Magsusulong po tayo ng isang panukala na makakasiguro na may sapat na kakainin ang bawat Pilipino dito sa ating bansa. Itong nakaraang 15th congress, ay naisulong po natin ang House Bill 4626 na ang pamagat ay Food For FIlipinos First Act na sa aking palagay nandoon po iyong magiging solusyon doon sa kakulangan natin bilang isang bansa na pakainin po natin ang ating sarili.


Chiz Escudero (Team PNoy/Independent)
Waiver ng Secrecy ng Bank Deposit

Panukalang batas na naglalayon na mag-execute ng waiver ng secrecy of bank deposits ng lahat ng opisyal at empleyado ng pamahalaan gayon din para silang lahat ay ma-subject sa lifestyle check anytime, anywhere.




Bal Falcone (Democratic Party of the Philippines)
Pagtanggal sa Pork Barrel

The first legislative measure I would like to put up is the abolition of the pork barrel in order to make these funds be the initial capital for the [execution] of all viable projects in all regions, districts of the country.





Richard Gordon (UNA)
Trabaho sa Turismo

Uunahin ko talaga, lumikha ng kabuhayan at katulad ng ginawa ko sa Subic, sa tourism lumilikha tayo ng kabuhayan. Pag-iigtingin ko 'yung batas at ang sisingilin ko kagad ang mga Department of Tourism. Bakit nila pinapairal 'yung Tourism Law? Sapagkat yan eh magbibigay ng insentibo at hanggang ngayon nahihirapan ang mga businessmen na palakihin o magtayo ng mga bagong mga hotel, mga bagong tourism airplanes doon sa probinsya.

Ed Hagedorn (Independent)
Trabaho para sa Lahat

Ang isa ko talagang bibigyan ng masusing panukala, ano. Kung papano natin maiaangat talaga 'yung kabuhayan ng maliliit nating kababayan. Yung mabigyan ang lahat ng kanya-kanyang opportunities regardless of their religious affiliations, even if he is a disabled person or even if he belongs to different sects, different gender. Dapat lahat may kanya-kanyang oportunidad.


Gringo Honasan (UNA)
People's Ownership of Government Information

Ipapagpatuloy ko lang 'yung mga nasimulan na natin. Pangunahin dyan ay 'yung Freedom of Information Bill na naipasa na sa Senado pero nakabimbin pa sa Kongreso dahil may mga isyu pa sila na kailangang i-resolve. Itong Freedom of Information o POGI Bill sa Senado — People's Ownership of Government Information — ay nagbabalik ng pamahalaan sa taong bayan.


Risa Hontiveros (Team PNoy/Akbayan)
Karapatan ng mga Kababaihan

Para sa kababaihan, magsusulong ako ng mga panukalang batas na nagbibigay ng dagdag na suporta sa trabaho at hanapbuhay kasama na po ang mga katulad kong solo moms.





Loren Legarda (Team PNoy/NPC)
Universal Health Care Program

Sisikapin ko po na maisabatas itong aking universal health care program na — good news — ngayon po ay pinapatupad maski po hindi pa naisabatas, naglagay po ang Department of Health ng pondo na P12.5 billion para po lahat ng mga Pilipino, lalo na 'yung 5 million poorest families, ay ma-cover po ng PhilHealth ngayon.



Marwill Llasos (Ang Kapatiran Party)
Freedom of Information Bill

Una dito ay ang pagsusulong ng Freedom of Information Bill. Ito sanang solusyon, no, sa problema natin sa corruption sa bansa sapagkat kapag transparent ang mga transaksyon sa gobyerno, may access ang taong bayan, mangingimi ang mga corrupt government officials na mangurakot.



Ernesto Maceda (UNA)
3 Milyong Trabaho

Paggawa ng 3 milyong trabaho sapagkat ang pinakamalaking problema ng ating mamamayan ay ang kawalan ng trabaho. Ganun din, kailangan bigyan natin ng mga trabaho ang mga OFW na gustong bumalik.





Jamby Madrigal (Team PNoy/LP)
Pagpapababa ng Presyo ng Kuryente, Tubig at Pagkain

Pag nanalo ako, unang-una 'yung dapat aralan natin paano 'yung pagbaba ng presyo ng elektrisidad, presyo ng tubig, at 'yung presyo ng pagkain. Importante po yun para 'yung sahod ng taong bayan ay tumaas.




Jun Magsaysay (Team PNoy/LP)
Sovereign Wealth Fund

Sovereign Wealth Fund. Iyon ay pondo ng bayan at for that fund, 'yung ating mga creative entrepreneurs, mga young people who have innovation whether it is in science, technology, engineering, agrikultura, o ano man ang mga services or products ay kakapitalan.




Mitos Magsaysay (UNA)
Scholarships sa Kolehiyo

Gusto ko po mapaglaanan po ng at least P10 billion po ang scholarship para sa tertiary education para sa mga mahihirap at sa skills training program po dahil sa tingin ko po the only way we can alleviate the people out of poverty is to educate them in the tertiary level or give them a skills training program para mas madali po silang magkaroon ng trabaho and make them productive.


Ramon Montaño (Independent)
Pagpapalakas ng pwersa ng mga Pulis

Tignan natin, i-review natin 'yung mga law regarding the police force kasi very defective 'yung law ngayon. Ang mga law enforcer nahihirapan sila ngayon kasi ang basic law being enforced does not allow them to really be uncompromising in the enforcement of the law kasi maraming nakikialam sa kanila ngayon.



Ricardo Penson (independent)
Anti-Political Dynasty Bill

Unang-una, kinakailangan nating isabatas na ang definition ng political dynasty. Ito ay matagal na naming pinaglalaban mula pa lamang nung 19… after nung saligang batas ay na-ratify nung 1987. Hanggang ngayon hindi pa nasasagawa ito ng ating Kongreso at naniniwala po ako ito ang ugat ng kasamaan, ng kahinaan ng ating demokrasya.



Koko Pimentel (Team PNoy/PDP)
Bigger Pie, Bigger Slice Bill

Naubusan kasi ako ng oras para sa aking panukalang batas na tinawag kong Bigger Pie, Bigger Slice Bill. Ito po ang tungkol sa pagpapalaki po ng pondo na dumarating sa mga local government units magmula sa probinsya, siyudad, munisipyo hanggang sa lahat ng barangay.




Grace Poe (Team PNoy/Independent)
Standard Feeding Program

Magkakaroon ng standard feeding program or lunch program sa lahat ng pampublikong elementaryang paaralan. Alam naman natin na 34% ng ating populasyon ngayon ay mga batang zero to 14 years of age. So kailangan po nating pangalagaan ang kanilang pangangatawan at susunod po diyan ang kanilang kaisipan.



Christan Señeres (Democratic Party of the Phil.)
Magna Carta on Internet Freedom

Una po sa lahat ang aking imumungkahi po ay ang pag-repeal, hindi lang po amendment, repeal ng Anti-Cybercrime Law. And in it's place, I intend to be, if I'm elected senator, I intend to be a co-author of the Magna Carta on Internet Freedom.




Antonio Trillanes IV (Team PNoy/NP)
Peace and order, anti-poverty, governance reforms at iba pa

Peace and order, anti-poverty, governance reforms tapos itong… nagba-branch out na tayo, even sa healthcare, sa civil service tapos environment, energy, agriculture and so on and so forth. Let's just say na we'll be filing all of these bills at the same time.




Eddie Villanueva (Bangon Pilipinas Party)
People's National Coop Bank

Uunahin kong ipanukalang batas 'yung People's National Cooperative Bank na siyang magkakalag sa tanikala sa mga tinatawag nating saguiguilid o mga masang Pilipino na makalagan na sila sa tanikala ng 5-6 financial scheme sa ating bansa sapagkat ito ang  magbibigay sa kanila ng equal opportunity para maging entrepreneur.



Cynthia Villar (Team PNoy/NP)
Pagbuo ng Department of OFW

Unang-una, ire-refile ko 'yung Department of OFW. Creation ng Department of OFW kasi naniniwala ako napakaraming naitulong sa atin ng mga OFW kaya dapat mag-create ng isang department na walang gagawin kundi naka-focus sa mga problema at sa mga ibibigay nating mga benepisyo sa ating mga OFW.



Migz Zubiri (UNA)
Pag-amyenda sa Universal Health Care Act

Kailangan i-ammend natin 'yung universal healthcare act para sa ganun ay hindi lamang insurance 'yung ibibigay po natin sa ating mga kababayan kasama na doon po 'yung libreng gamot, libreng bayad sa doktor, libreng paggamit ng equipment sa iba't ibang government hospitals. Pero dun sa jhakbang na iyon, kailangan pagandahin po natin ang ating mga hospitals.