'Tunay na Buhay' ni Gloria Romero
TUNAY NA BUHAY NI
GLORIA ROMERO
AUGUST 25, 2021
Sa kanyang ageless beauty at walang kupas na talento, talagang daig kayo ng lola na ito. Sa edad na 87 at sa anim na dekada sa showbiz, napakarami nang parangal ang kanyang natanggap. Ang pinakahuli nga ay noong 2018 bilang Best Actress para sa pelikulang “Rainbow's Sunset”.
Isa raw sa mga humubog sa beteranang aktress — ang kanyang dating guro na ngayon nga'y 100 years old na. Nag-trending pa nga ang centenarian lola dahil sa kanyang edad, very techy pa rin siya at nakuha pang um-attend sa kanilang online college reunion.
Pero sa pagkakataong ito, silang dalawa naman ang magre-reunite. Ang dating teacher na si Lola Virgie Malay at ang kanyang former student — walang iba kundi ang Ilocana beauty na si Ms. Gloria Romero. Abangan 'yan kasama si Pia Arcangel ngayong Miyerkules sa 'Tunay na Buhay', 11:30 PM sa GMA.