Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tunay na Buhay' ni Jeric Raval


Tunay na Buhay
ni Jeric Raval
June 30, 2021

 


Isa siya sa pinakamalaking action star na sumikat noong dekada nobenta. Hinangaan ng marami ang kaniyang mga buwis-buhay na stunts at action scenes. Marami ring mga babae ang nahumaling sa kaniyang kaguwapuhan. Katunayan, may labingwalo raw siyang mga anak sa iba’t ibang nakarelasyon niya sa loob at labas ng showbiz. Kamakailan, nag-viral ang isang video na pinapagalitan niya ang isang anak niyang babae na nagtu-twerk! Pagkalipas ng maraming taon, totoo bang ang dating ‘chickboy’ noon, isa nang ‘one-woman man’ ngayon?

 


Ngayong Miyerkules, samahan si Pia Arcangel na makipagkuwentuhan sa ‘Kalabang Mortal ni Baby Ama’ na si Jeric Raval, kasama ang anak niyang pinasok na rin ang showbiz na si AJ Raval, June 30, 11:30 PM pagkatapos ng ‘SAKSI’ sa GMA 7.