Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tunay na Buhay' ni Bearwin Meily


TUNAY NA BUHAY
JUNE 16, 2021
MIYERKULES, 11:30 PM SA GMA

 

Sino ang actor-comedian na napilitang magbenta ng bahay dahil kapos na raw sa pambayad na nagtaguyod sa kanyang pamila no'ng ma-lockdown?

Ang dating artista abala ngayon sa pagtitinda ng corndog!

Ang sagot...

 

From alalay to comedian very quick!

Ganito nagsimula ang kanyang showbiz career—mula sa pagiging alalay ng aktor na si John Estrada hanggang sa naging pa-extra-extra at kalauna'y nakagawa ng sariling pangalan.

Pero dahil daw sanay ang publiko sa dati niyang hitsura – kasabay ng kanyang pagpayat ay ang paglamlam naman ng kanyang career bilang comedian. Natalo rin siya nang tumakbong konsehal sa Taytay, Rizal noong 2019. Ang mga pagsubok sa kanya, ‘di raw kinaya ng magic! Kaya kiinailangan niyang ibenta ang dream house na ipinatayo niya para sa kanyang pamilya para masuportahan sila.

Saan nga ba siya humuhugot ng lakas para manatiling nakangiti sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanan? Samahan si Pia Arcangel na kumustahin ang 'Tunay na Buhay' ni Bearwin Meily ngayong Miyerkules, 11:30 PM sa GMA 7.