Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tunay na Buhay' ni Joey Marquez


TUNAY NA BUHAY
JOEY MARQUEZ
JUNE 9, 2021

 

 

Una siyang nakilala ng mga manonood bilang isa sa pinakabatang basketbolista sa PBA. Pagkatapos ng ilang taon, tumawid naman siya sa mundo ng showbiz at nakagawa ng pangalan bilang isang mahusay na komedyante at aktor sa telebisyon at pelikula. Hindi niya akalaing magko-crossover din pala siya sa mundo ng pulitika, una bilang vice-mayor at pagkatapos ay mayor ng Paranaque. Pero, sa dami ng mga role niya sa buhay, kumusta naman kaya siya bilang ama sa kaniyang labing-anim na mga anak?

Ngayong Miyerkules, sa pre-Father’s Day special ng ‘Tunay na Buhay,’ samahan si Pia Arcangel na makipagkuwentuhan kay Tsong Joey Marquez, June 9, 11:30 PM pagkatapos ng ‘SAKSI’ sa GMA-7.