'Tunay na Buhay' ni Lani Misalucha
TUNAY NA BUHAY
LANI MISALUCHA
AIRING DATE: MARCH 17, 2021
Kinilala siyang ‘Multiplex Queen’ noong dekada nobenta dahil paboritong gamitin ang boses niya sa mga multiplex tapes para sa karaoke machines. Kalaunan, dahil sa husay sa pag-awit sa iba’t ibang estilo at genre, binansagan siyang ‘Asia’s Nightingale.’ Nang manirahan siya sa America, muli siyang gumawea mg pangalan sa larangan ng musika, at ang December 4 sa Las Vegas, itinakda pang ‘Lani Misalucha Day.’ Matapos dumaan sa matinding pagsubok ang kaniyang kalusugan noong nakaraang taon, unti-unti na siyang nakabangon at nakabalik na uli sa pag-awit.
Ngayon, kapag nangungulila siya sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang limang apo na lahat ay nasa Amerika, ibinubuhos na lang niya ang kaniyang oras sa isang bagong libangan— ang pagluluto! Siyempre pa, hindi na rin natin palalampasin na makatikim ng specialty ng Asia’s Nightingale! Kasama si Pia Arcangel, ibabahagi sa atin ni Lani ang recipe niya ng chicken embutido!
Pagdating naman sa kantahan, kayanin kaya ni Lani ang kakaibang challenge na ipagagawa sa kaniya ng Tunay na Buhay? Abangan ang tinig ng Asia’s Nightingale ngayong Miyerkules sa ‘Tunay na Buhay’, 11:30 PM pagkatapos ng ‘SAKSI’ sa GMA 7.
In the 90s, she has been dubbed as the ‘Multiplex Queen’ because her voice graced a lot of multiplex tapes used in karaoke machines. Because of her ability to sing across different musical genres, she was tagged as ‘Asia’s Nightingale.’ After she went through a life-threatening health ordeal last year, she has now recovered and has even gone back to singing.
Nowadays, when she misses her family, especially her five grandchildren who are all based in the US, she spends her time doing a new hobby— cooking! Together with host Pia Arcangel, Lani will share with us her special recipe on how to make chicken embutido!
While Lani is known to be a versatile singer, can she handle an unexpected singing challenge? Once again, let’s listen to the golden voice of Asia’s nightingale this Wednesday, on ‘Tunay na Buhay’, 11:30 PM, after ‘SAKSI’ on GMA 7.