TUNAY NA BUHAY ni RHEA SANTOS
AIRING DATE: August 7, 2019
Sa loob ng mahigit walong taon, inihatid ni Rhea Santos ang kuwento ng tunay na buhay ng ilang mga kilalang personalidad, pati na ng mga taong mapaghuhugutan ng inspirasyon at pag-asa. At makalipas ang mahigit limandaang kuwento na kanyang ibinahagi, si Rhea naman mismo ang magbabahagi ng kanyang tunay na buhay.
Unang nagtrabaho sa likod ng camera si Rhea taong 2000 hanggang sa mabigyan siya ng break sa larangan ng news reporting at hosting. Nakabilang siya sa ilang public affairs program gaya ng “Frontpage”, “Women's Desk”, “At Your Service” at “Pinoy Abroad.” Sa kasalukuyan, bukod sa Tunay na Buhay, araw-araw din napapanuod si Rhea sa early morning show na “Unang Hirit.”
Pero sa kabila ng tagumpay na tinatamasa, isang malaking desisyon ang kinailangan gawin ni Rhea. Ano nga ba ang panibagong yugto na ito sa kanyang buhay?
Ang dating tagahatid ng mga kuwento ang siya namang magbabahagi ng sarili niyang kuwento. Samahan si Pia Arcangel na silipin ang Tunay na Buhay ng nag-iisang si Rhea Santos – bilang isang broadcaster, isang asawa at isang ina. Abangan 'yan ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi.
(English)
For the past eight years, Rhea Santos has been telling the life stories of well-known personalities as well those people who mirror hope and inspiration. And after more than five hundred episodes, it is now Rhea's turn to tell her own story.
Rhea used to work behind the camera wayback 2000, until she was finally given her break in the field of news reporting and hosting. She became part of several public affairs programs such as “Frontpage”, “Women's Desk”, “At Your Service” and “Pinoy Abroad.” Currently, besides being the host of “Tunay na Buhay”, she is also part of the early morning show “Unang Hirit.”
But despite her success, Rhea needed to make a very big decision. What is this new chapter in her personal life?
The one who used to tell the stories of other people will finally tell her own story. Join Pia Arcangel as she takes a peek into the life of Rhea Santos --- as a broadcaster, as a wife and as a mother. Watch Tunay na Buhay this Wednesday, after Saksi.