Dancer at host na si Dianne Medina, ikukuwento ang kanyang 'Tunay na Buhay'
Ang "Tunay na Buhay" ni Dianne Medina
Taong 2006 nang manalo siya sa reality-jock search ng kabilang istasyon na siyang nagbukas ng oportunidad sa kanya bilang television host at aktres. Pero noong 2015, lumipat siya sa Kapuso station kung saan ang kauna-unahang proyektong ipinagkaloob sa kanya – ang drama series noon na “Beautiful Strangers.”
Liban sa pagiging aktibo sa showbiz – isa rin pala siyang lecturer sa kanilang simbahan at madalas din tumutulong sa mga charitable institution. Ang isa pang pinagkakaabalahan niya ngayon – ang wedding preps nila ng kanyang fiance na si Rodjun Cruz. Oktubre lang kasi noong isang taon nang ma-engage sila matapos ang sampung taong relasyon.
Samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng "Tunay na Buhay" ni Dianne Medina ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi.